ABM 12 - 1
OP#7
Ang mahalagang isyu na binigyang diin sa editorial na ito ay ang pagpapatupad ng K-12 curriculum o ang pagdagdag ng dalawa pang taon sa pag aaral ng highschool.
Base sa isyu na inilatag sa larawan, ako ay sang-ayon sa pagpapatupad nito. Bilang isang estudyanteng nakakaranas ng curriculum na ito, masasabi kong higit itong nakatulong sa ñagiging handa sa kolehiyo. Higit akong natuto at masasabi kong mas naging independent ako sa paggawa ng mga bagay na sarili ko lang ang kakampi ko. Isa rin sa kagandahan ng curriculum na ito ang dagdag kaalaman at mas mapapadali ang pag kuha sa trabaho. Sa kabilang banda, magdudulot ito ng dagdag gastos sa mga magulang ngunit ang pamahalaan ay nagbibigay naman ng libreng pag aaral sa pampublikong paaralan at may voucher naman sa mga pribadong paaralan. Naniniwala akong may magandang maidudulot ang curriculum na ito kung magsisikap at magtutulungan ang bawat-isa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento