Sabado, Enero 20, 2018

Figueroa , Jael A.
ABM 12  - 1

OP # 3 Kronolohikal


                                                                   Titser Annie

                     Si Titser Annie ay guro sa Mindoro Oriental. Ngunit bago siya magturo sa paaralan ng Sitio Labo ay nagturo muna siya ng labing apat na taon sa private school. Bangin , ilog , at bundok ang kailangang sungiin ni Titser Annie bago siya makarating sa paaralang kanyabg pinapasukan. At ito ang linggo -  linggo niyang ginagawa para lamang makapagturi. Para sa kanya mas madaling magturo sa private school ngunit napagtanto niya na mas kailangan siya at maipapakit niya ang totoong siya at naramdaman niya na totoong tao siya. Labing anim na ilog ang linggo linggo niyang tinatawid.

                    Habang sa paglalakad nila ni Titser Annie nakasabay nila anh mga batang mangyan na dala dala ang mga libro na mag-iisang linggo na sa bundok dahil saka dahilanang mataas ang tubig sa ilog. Isang oras ang kanilang tinatahak para makarating sa Sitio Labo . Dalawang taon ng nagtuturo si Titser Annie sa lugar ng mga mangyan kasama ang kanyang co - teacher na si Titser Kristel. Nakikita at napapansin ni Titser Annie na marunong ang mga batang mangyan na magbigayan , para pasalamatan ang mga mangyan tinuturuan nila ang mga matatandang mangayan para kung sakaling wala sila maari nilang maturuan ang kanilang mga anak. At itong kanilang pagtuturo ay walang dagdag sa kanilang sweldo . Inamin ni Titser Annie nasa una ay nakaramdam siya ng takot at pandidiri ngunit nabago yun dahil naging masaya siya sa pagtuturo . Kinder hanggang grade 3 ang kanyang tinuturuan at samantalang si Titser Kristel ay grade 4 hanggang grade 6 naman ang tinuturuan.
     
                   Sa klase ni Titser Annie sa kinder pinakamatanda sa kanyang klase ay si Dina na dalawangpung taong gulang na . Sa kalagitnaan ng klase umuwi si Dina sa kadahilanang kailangan niyang alagaan ang kanyang ina na dalawang taon  nang may sakit . Kaya nagtatrabaho siya sa sagingan para may ipambili ng gamot. Ngunit sa pagdala niya niyo sa kapatagan ₽ 144.00 lang ang kangyang nakuha. Sinabihan ni Titser Annie ng higher education na tapos na ang kanyang sakripisyo sa pagtuturo sa Sitio Labo . Maari na siyang magturo sa kapatagan sa Villa Pag-asa Elementary School. Pero tinanggihan niya mas pinili niyang maging guro ng mga mangyan . Dahil para sa kanya may maiiwan siyang responsibilidad. Dahil gusto niya sa kanyang pagtanda may maiiwan siya na legacy sa kanyang mga estudyante.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento