ABM 12 -1
OP # 1 PAGSULAT
'' Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa , tema o mga tanong na nabibigyang kasagutan ng mag - aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran , inters at pananaw"
Ano nga ba para sayo ang pagsulat ? Ano - ano ba ang mga bagay na iyong isinasaalang - alang para makabuo ng isang sulatin ? Ngunit bago natin alamin ang mga bagay na ito alamin muna natin ang kahulugan ng pagsulat. Ang pagsulat ay proseso kung saan ito'y binubuo ng mga ideya at kaisipan ppara makabuo ng isang impormasyon . Ngayon ating alamin ang bagay na ating dapat isaalang - alang para makabuo ng isang sulatin .
Ang pagsulat ay kalimitang isinasagawa sa mga paaralan. Dito natin nililinang ang ating mga kakayahan. Ngunit paano nga ba tayo makakabuo ng isang magandang sulatin. Bago gumawa ng isamg sulatin dapat alam natin ang paksa , tema o mga tanong na magbibigay ng mga kasagutan sa sulating ating ginagawa. Sa pagsulat ng isang sulatin dapat hindi lang tayo pumipili ng isang paksa ng basta basta lang .Dapat kapag tayo'y pumili ng paksa dapat mayroon tayong sapat na kaalaman at interesado tayo sa paksang ating pinili. Sa ganong paraan mapapadali tayo sa paggawa ng isang sulatin. Ako bilang mag - aaral bago ako gumawa ng isang sulatin umiisip muna ako ng isang paksa na madali kong mabibigyan ng opinyon. Pumipili ako ng paksa na pasok sa aking interes. Gusto ko ang aking paksang pinili ay mabibigyan ko ng isang magandang " feedback " o sagot. Sa simpleng pagpili ng paksa mas mapapadali kong maipapahayah ang aking mga inanahing dahil sa may sapat akong kaalaman at interesado ako sa paksang pinaguusapan.
Kung ating titingnan ang pagsula ay hindi isang madalin gawain . Mayroon tayong mga bagay na isinasaalang - alang para makabuo ng isang maganda at maayos na sulatin. Pumili tayo ng paksang mabibigyan natin ng makabuluhang pananaw at opinyon. Sa simpleng pagpili ng paksa na ayon sa ating interes at pananaw ating maibabahagi ang mga kaalaman na mayroon tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento