Lunes, Enero 22, 2018

Gareza , Mark Ildzeil
ABM 12 - 1

Op 3 
         
      Isang normal na tao na hindi sanay mabuhay sa bundok at sumuong sa mahabang lakbayin upang magampanan niya ang kanyang misyon sa mga katutubo.

           Si titser annie ay isang guro sa pribadong paaralan na higit labing apat na taon pero mas pinili ang misyon niya sa kabundukan kaysa sa dating buhay niya. Kaylangan ni titser annie mag lakad ng isang oras at labing-anim na ilog para makarating sa nayon. Ang tinuturuan ni titser annie ay kinder hanggang grade 3 at ang kasama niyang guro na si titser kristel ay grade 4 to 6 pero bago sumapit ang dilim binibigyan din nila ng oras ang mga matatandang mangyan para kapag wala sila titser kristel at titser annie ay maturuan nila ang mga anak nila ngunit sa kalangitnaan ng dokumentaryo ay napukaw ang pansin ang isang estudyante na si dina na mahigit bente anyos na pero nagsusumikap padin mag aral siya at nasa kinder pa lamang siya at ng binisita ni titser annie si dina sa kanilang bahay ay sumalubong ang nanay niyang si vilma na dalawang taon ng may sakit na pulmonya. Si dina ay tatlong araw ng hindi pumapasok sa eskwelahan dahil siya ay nag tatrabaho sa sagingan, hinahatid niya ang mga saging sa bayan na mahigit dalawang oras siyang naglalakad at ang kinikita niya lamang ay isang daan at apat napu`t apat sa mahabang paglalakad para mahatid ang saging. Ang pamumuhay ni titser annie ay simple lamang kaya pag katapos magpakain sa mga estudyante ay tinutulungan ni dina maghugas ng pinggan si titser annie, binigyan din siya ng offer na lumipat na sa kapatagan ngunit mas pinili niyang tumigil sa bundok dahil napamahal na sa kanya ang mga katutubo inamin niya na sa una ay nadidiri siya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento