ABM 12 - 1
OP#4
Ang Saint Augustine School ay itinayo noong Pebrero 14, 1969 sa pamamagitan ni Monsignor Francisco V. Domingo, isang pari noong mga panahong iyon. Ito ay pinangalanang Saint Augustine dahil sa kanilang patron na si "Tata Usteng". Misyon ng paaralang ito na magbigay ng serbisyo noong Hunyo 1969. Sila ay nagsimula lamang sa pagtuturo ng kinder at grade one. Ito rin ay pumasailalim sa De La Salle supervision at nakapagbigay ng isang magandang operasyon sa unang taon. Dahil dito, mas dumami pa ang nagkainteres na pumasok sa paaralang ito at makalipas ang isang taon ay nag alok narin ang paaralan ng elementarya at highschool. Sa kasalukuyang pahanon, ang Saint Augustine School ay nag-alok narin ng Senior Highschool at patuloy na lumalago sa tulong ng huwarang direktor,principal at mga guro na nagpapatakbo sa paaralang ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento