Figueroa , Jael A.
ABM 12 -1
OP # 4 Sintesis
Ang paaralan ng Saint Augustine School Tanza , Cavite na isinunod sa pangalan ng patron ng simbahan ng Tanza na si Saint Augustine o mas kilalang Tata Usteng. Itinayo ito noong February 14, 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo na siyang naturang pari ng simbahan noong panahon na iyon.
Ang paaralan ng Saint Augustine School Tanza ay opisyal na binuksan sa mga mag-aaral ng kinder hanggang grade one noong June 1969. Si Sr. Angeles Gabutibg Ar. Ang unang principal ng paaralan na nagtagal ng dalawang taon at sinundan naman ni Sr. Clemencia Ranin. Ang "educational system" ng Saint Augustine ay nasa pamamahala ng Dela Salle , simula sa 44 na estudyante at 2 guro mas dumami pa nag bilang ng mga ito dahil sa matagumpay at maayos na pamaamlakad sa paaralan , pagkaraan ng isang taon nag patayo ng primary building sa gilid ng simbahan at sa taong 1971 nagsimula ulit magpatayo ng isa pang buildibg para sa silid - aralan ng highschool at natapos sa taong 1972 na sinundan naman nang pagpapagawa ng basketball court.
Noong 1971 sumunod na principal ng paalaran ay si Sr. Matilde . Nagtagal ang kanyang panunungkulan ng dalawang taon . Habang si Sr. Ma. Leonara ay ang nagsilbing principal sa elementarya sa loob ng isang taon . At sumunod naman si Miss Patrocinio San Juan noong 1973 hanggang 1976. Sa taong 1975 nagretire bilang pari at "school director " si Monsignor Francisco V. Domingo . Si Fr . Luciano Paguigan ang naging bagong school director at pinalitan naman ni Fr. Corsie Legaspi si Miss San Juan bilang principal noong 1977 na nagtagal ng isang taon at sinundan naman ni Miss Julieta Hernandez noong 1980 hanggang 1989 at sinundan muli ni Rev. Fr. Teodoro Bawalan bilang "school director" at Mercedita Pacumio bilang principal mula 1989 hanggang sa kasalukuyan .
Simula sa umpisa hanggang sa kasalukuyan makikita parin ang patuloy na pagbabago at matagumpay na pamamalakad ng paaralan. Patuloy nilang ginagawa ang nasimulanh gawain para sa mas magandang kinabukasan ng paaralan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento