ABM 12 -1
OP # 6 Talumpati
"Para kang bula "
Kaibigan ,
Eto yung taong kapag nadapa ka imbes
na tulungan ka tatawanan kapa. Sila rin
yung taong alam mong hindi ka iiwan
bukod sa pamilya mo. Yung taong ibibigay
mo yung buong tiwala mo dahil alam mong
karapat dapat siya sa tiwalang yun
Yung kaibigang pagsasabihan ka sa mga
maling ginagawa mo na daig pa ata ang
nanay mo kung magsermon at yung kaibi-
gang dadamayan ka at papasayahin ka lalo
na kapag broken ka at ipamumukha sayo na
may halaga ka na hindi katulad ng siraulo
mong ex na walang ibang ginawa kundi ang
paiyakin ka
Kaibigang tinuring mo nang bahagi ng pamilya
mo dahil sa sobrang lapit niyo sa isa't - isa. Ka-
sama mo mapa foodtrip , kalokohan at kahit saan
pa. At yung kaibigang tatanggapin ka ng buong
buo kahit anong ugali meron ka at kahit sino ka pa
Ngunit ang sakit pala sa pakiramdam na yung taong
pinagkatiwalaan mo at minahal mo na parang kapatid
mo iiwan ka na lang at maglalaho na lang na parang
bula. Na mas masakit pa ata sa pag-iwan sayo ng jowa
mo.
Yung pangakong hindi mo ko ipagpapalit sa iba at hindi
mo ko iiwan ngayon ay isang alaala na lang na alam natin
na hindi na maaring maibalik pa .Halos apat na taon ang
ating pinagsamahan .Pero lahat ng yun ay nawala na parang
bula.
Ang sakit lang isipin na ako pa ata ang may kasalan kung
bakit ang matagal nating pagkakaibigan ay biglang nanlamig.
Pero ngayon ayoko na muli pang balikan ang nakaraan dahil
kung ito'y paulit-ulit ko pang alalahanin paulit - ulit ko rin
itatanong sa aking sarili na ako ba ay tinuring mong kaibigan
at tunay na kaibigan nga ba kita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento