Muyot , Ericka Dana
ABM 12 - 1
OP#2: Deskriptibo
Ang pamumuhay ng mga Metro Aide sa Bayan ng Tanza.
Inalisa sa pag-aaral na ito ang proseso ng pamumuhay ng mga Metro Aide sa Bayan ng Tanza. Ang pagiging metro aide ay isang marangal na trabaho kung saan ang walis ay ang kanilang sandata sa paglilinis sa kapaligiran na nakapagpapabawas ng sakit sa mamamayan. Bagamat ito ay isang marangal na trabaho, ang mga tao noong 50s at 60s ay walang kanaisan sa pagiging isang camineros o camineras kung saan ito ang dating tawag sa mga street sweeper. Hindi naging madali ang kanilang trabaho dahil ang tingin sa kanila ng mga tao ay isang alipin na hindi dapat nirerespeto.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mapakinggan, malaman at mabigyan ng boses ang mga hinaing ng mga metro aid sa kanilang pamumuhay at pagtatrabaho. Layunin din nito na matulungan silang iparating sa gobyern ang nararapat nilang benepisyo.
Bukod sa mga hinaing na nabanggit ay mayroon din silang kahilingan sa kanilang kalusugan na bigyan sila ng 30 minutong pahinga sapagkat maari itong makapagdulot ng stroke. Nangangahulugan lamang ito na hindi madali ang pamumuhay ng mga metro aid kaya naman mithiin ng mga mananaliksik na bigyang halaga ang bawat isa sa kanila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento