Lunes, Enero 22, 2018

Gareza, , Mark Ildzeil
ABM 12 - 1
 OP 6

 Ako`y di iba sa karaniwan
Ang tanging hangad ay kasiyahan
Ngunit sa isang banda ako`y napabayaan

Aking tanging hiling nawa`y makadama Ng kahit karampot na kalinga
Kahit kaunting oras na kayo`y kasama
O aking ama at ina

Pagkukulang nila`y sa iba hinanap layaw ng pag-iisa sa kaibigan hinahanap-hanap


Araw-araw wala sa paaralan
Araw-araw nasa kompyuteran
Araw-Araw pinapagalitan
at sa araw-araw siya`y pinapanalangin na lumisan ng matapos na ang kahirapang nararanasan

Lumipas ang panahon pati sa kamay ng Panginoon ay nawalay

Isang taon hindi dumalaw sa simbahan
Isang taon na puro kasalanan
Isang taon na puro karangyaan
Isang taon na puro huwad na kasiyahan

Sa kabila ng lahat na ito
Sa loob ko`y tila kulang parin
May hinahanap-hanap
Ngunit sa haba baha`y hindi matagpuan

Sa malayo hinahanap ang atensyon na kayla

Sa malayo hinahanap
Ang atensyon na kaylangan
Ngunit kung iisipin
Siya`y nasa harapan lamang

Sa paglalayag ng isipan
Aking napagtanto na ang natatamasang buhay
ay dulot ng kanilang sakripisyo at pagmamahal
Magkulang man sila sa ibang bagay napupunan naman ng pag-ibig na wagas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento