ABM 12 - 1
Sulatin # 4
SURIIN MO NA
1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa inyong sariling pag - unawa?
- Ang posisyong papel batay sa aking sariling pang-unawa kung saan ang manunulat ay binibigyan ang kanyang opinyon ng matibay na paninindigan patungkol sa isyung pinaguusapan. Sa pagsulat ng posisyong papel kailangan mo rin bigyan ng katibayan ang iyong mga opinyon ng sa ganun mapagtibay mo ang iyong pangangatwiran .
2. Bakit mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel ?
- Mahalagang magkaroon o mglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel para makapagbigay ang magkaibang tao o magkaibang opinyon ng kanilang sariling pananaw patungkol sa isyu at mabigyan ito ng pangangatwiran .
3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?
- Paksa
- Argumentatibong pahayag
- Evidences
- Posisyon
Mahalaga ang mga ito para mas madali kang makagawa ng posisyong papel. Madali mong mabibigyang diin ang iyong opinyon o pananaw.
4. Ano - ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat ng posisyong papel ?
- Dapat mayroon kang paninindigan sa iyong napiling posisyon sa isyung pinaguusapan . Dapat mangalap ka ng ilang impormasyon na makakapagbigay na maayos na patunay sa iyong opinyon.
5. Mahalaga bang isaalang - alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit ?
- Oo , dahil ila yung magbibigay ng kumento sa posisyong papel na iyong ginawa. Dapat lahat ng iyong sasabihin ay angkop sa interes ng iyong mga tagapakinig .
ISABUHAY MO NA
1. Ano ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel?
- Ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel ay ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo.
2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel ?
- Inilahad ang opinyon ng manunulat sa unang bahagi kung saan ibinigay niya muna ang kanyang opinyon tungkol sa isyu at nagbigay ng mga suportang ideya na magpapatibay sa kanyang opinyon .
3. Paano inilatag ang mga ebidensiya hinggil sa isyu ? Ano - ano ang mga ito ?
- Nagbigay ng magiging epekto kung aalisin ang asignaturang Filipino
- Inilahad kung bakit mahalaga ang wikang Filipino
4. Ano ang naging kongklusyon sa posiyong papel ?
- Sinang ayunan parin ng manunulat ang posisyong kanyang pinili. Hanggang sa huli pinandigan niya ang kanyang posisyong pinili sa isyung pinaguusapan.
5. Ikaw ano ang iyong paninindigan sa isyu
- Kung ako ang papipiliin mas pipiliin kung sumangayon dahil mas dapat nililinang natin ang ating wika kesa sa pag- aaral ng dayuhang wika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento