Lunes, Enero 22, 2018

Muyot , Ericka Dana
ABM 12 - 1

OP#3: Kronolohikal na sintesis



"Titser Annie"
     
           Ipinakita ng programang iwitness na pinangunahan ni Kara David ang pamumuhay ng isang huwarang guro na si Titser Annie sa Sitio Labo kung saan siya sy nagtuturo sa mga bata at matandang Mangyan. Mahigit tatlong oras ang kailangang suyugin upang makarating sa paaralan. Isang oras na lakaran, isang oras na tawiran sa 16 na ilog at isang oras ulit bago pa man makapunta sa komunidad. Dito ay kasama niya ang kanyang katrabaho na si Titser Kristel. Ang kanilang tinuturan sa umaga ay ang mga batang Mangyan at sa gabi naman ay ang matatanda. Noong una ay hindi alam ni Titser Annie kung paano niya tatanggapin ang mga bata dahil sila ay madudumi, ngunit di nag laon at natutunan niya itong mahalin.
     
         Isang estudyante ni Titser Annie ang pumukaw sa atensyon ng programa. Si Dina ay isang dalagita ngunit ngayon lamang siya pinayagang pumasok sa paaralan. Gayonpaman, saglit lamang siya sa paaralan dahil siya ang tumatayong ama't ina ng mga kapatid niya. Ang nanay niya ay dalawang taon ng may sakit at siya ay kumukuha at nagbebenta ng saging upang maibili ng gamot ang kaniyang nanay. Makikita sa programa ang hirap na pinagdadaan ng mga Mangyan pero sa kabila ng lahat ay nandito si Titser Annie upang tumulong at magmalasakit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento