Lunes, Enero 22, 2018
Muyot , Ericka Dana
ABM 12 -1
OP#1
"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na binibigyang kasagutan ng mga mag aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw."
Ang pagsulat ng isang teksto ay dapat may sapat at makabuluhang layunin. Sa pagbuo ng layunin, dito ay maaaring makadiskubre ng isang nakakaakit na paksa na maikokonekta sa tema. Bakit mahalagang bigyan ng pansin ang mga ito? Dahil ito ay nakabase sa interes at pananaw ng manunulat kung paano niya ilalahad ng wasto at kawili-wili ang mga impormasyon.
Bilang isang epektibong manunulat, mahalagang malaman muna nito kung sino ba ang kaniyang mambabasa. Dito ay makabubuo siya ng isang layunin o patutunguhan ng kaniyang sulatin. Pagkatapos nito ay makabubuo ng isang paksa at tema kung saan iinog ang kanyang susulatin. Mahalaga rin na malaman ang mga tanong na nais masagot ng mga mambabasa dahil dito malalaman kung gaano kalawak ang kaalaman ng manunulat at kung gaano kalalim ang pananaw niya. Dapat ding ipakita ng manunulat ang kumpyansa at paninindigan upang maging mabisa ang kaniyang paglalahad ng teksto. Mabisang gumamit ng sariling kaalaman, interes at pananaw upang maipaglaban at maunawaan ang mga bagay at maipaintindi ito sa mambabasa.
Ang bawat isa ay may sari-sariling pananaw sa buhay. Ang kahat ng ito ay naihahayag sa pamamagitan ng pagsusulat kung saan malayang nasasambit ang emosyon at panukala ukol sa paksang isinasambit. Kaya naman, sa pagsulat ay mahalagang nay makabuluhang paksa at tema na maipapaliwanag o mailalabas depende sa kung ano ang nararamdaman, interes at pananaw ng isang manunulat.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento