Lunes, Marso 12, 2018

Ocampo , Aira May
ABM 12


OP#1 Replektibong sanaysay

Paksa: Isang natatanging karanasan bilang isang mag-aaral

                 Isang malaking pagsubok ang mag-aral, dahil gusto mong makaganti sa mga magulang mo pipilitin mong matapos kahit na minsan pakiramdam mo ay susuko ka na. Pero sa isang banda maiisip mo na lamang ang sakripisyo ng iyong magulang makapag-aral ka lang. Eto ang aking nagging karanasan bilang isang mag-aaral.
Bilang isang mag-aaral kailangan mo talaga ng sipag at tiyaga, dahil kung wala ka niyan tiyak na wala kang mararating sa buhay. Kinakailangan mo ring sundin ang mga batas na ipinatupad ng iyong paaralan. Isang matinding pagsubok ang maging senior high school student bukod sa maraming gawain kailangan mo talagang magsipag at magtiyaga. Nariyan pa ang hahabulin mo ang mga teacher mo para sa grades at clearance mo. Mga teacher na may favoritism, pag hindi ka favorite talo ka. Pero sa paaralan ko llang nahanap ang mga tunay na kaibigan na handing umagapay sa akin. Sa isang silid lahat nagsimula mga tawanan na may kasama pang iyakan. Sa paaralan mo lang din mararanasan ang tumawa na para bang wala ng bukas. Meron din naming teacher na malakas magbigay ng homeworks or schoolworks pero hindi naman nagtuturo at syempre ibabagsak ka pa. Nariyan ang makakakuha ng grade na mababa pa sa 75 dahil sa mga subject na pa major. Sa kabila neto marami naman akong natutunan na madadala ko rin sa college life ko. Bilang isang magaaral kailangan kong gampanan ang tungkulin kong magaral ng mabuti.

                 Hindi biro ang buhay ng isang mag-aaral, dahil kahit gusto na nilang sumuko patuloy parin silang tumatakbo patungo sa finish line. Madami mang pagsubok ang pinag daaanan gagawin parin ang lahat malusutan lang ang mala butas ng karayom. Dahil alam ko na sa huli magiging worth it ang lahat ng pagod at hirap pag nakarating na sa finish line ng tagumpay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento