Linggo, Marso 4, 2018

Figueroa , Jael A.
ABM 12 -1

OP # 1 Replektibong sanaysay

Paksa : Kakatapos pa lamang na Midterm Exam



                                                                  Sabog sa Midterm Exam


                                       Sa buhay kong bilang estudyante marami ng problema ang aking hinaharap. Mga simpleng problema na pinapalaki naming mga estudyante . Isa sa mga problema na aking napagdaanan ngayong 2nd semester ng aming school year ay ang kakatapos pa lamang na midterm exams. Midterm exam ang bigat mo sa pakiramdam .
                                     
                                     Sa kakatapos pa lamang na midterm exams alam ko sa aking sarili na hindi magiging maganda ang resulta neto. Sa tatlong araw na exam parang ako ba ' y parang wala sa ulirat na naging resulta na sa tatlong araw ng exam ako'y naging sabog sa pagsasagot. Alam kong nasa akin ang mali dahil bilang isang estudyante dapat alam ko ang aking responsibilidad . Dapat alam ko kung ano - ano yung mga bagay na dapat at  hindi ko dapat gawin .Dahil kahit saang anggulo ko tingnan ako ang mali , kaya hindi ako magatataka kung bakit ang aking midterm exams ay paniguradong hindi maganda ang resulta.
     
                                  Kaya bilang isang estudyante dapat maging responsable ka sa lahat ng bagay lalo na sa pag - aaral . Wag kang umasa sa ibang tao , dahil kung patuloy kang aasa ika'y walang mapapala . Kaya dapat matuto kang magsikap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento