Sabado, Marso 10, 2018

Muyot , Ericka Danna 
ABM 12




Op#1: Replektibong sanaysay tungkol sa kakatapos pa lamang na midterm exam.

                                                               "Midterm Exam"
 
             Isang kinatatakutan at kinaiinisang mga araw nanaman ang sumapit, kadalasa'y tinatawag itong "hell week" dahil ito ang araw kung saan kailangan mong balikan ang mga inaaral mo noong mga nakaraang araw. Ito rin ang mga araw ng paghihiganti ng mga gurong mahilig gumawa ng napakahaba't mahirap na exam.

              Sa unang araw ng midterm exam, ito ang pinakamadaling araw para sa akin. Bukod sa madadaling subject lamang ito, kami ay ginabayan ng aming mga guro sa mga dapat naming aralin para dito. Ngunit sa sumunod na araw, tila gumuho ang mundo namin dahil sa dami ng kailangan naming memorsahin. Gayundin ang sa ikatlong araw. Pinilit kong sipagin ako sa pag-aaral kahit na ang daming tukso na sa akin ay tumatawag. Inisip ko ang kapakanan ng aking sarili at ng mga taong nakapaligid sa akin katulad ng aking mga magulang. Hindi ako nagpatinag sa mga pagsubok na binigay ng midterm exam na ito kaya naman nasagutan ko ang lahat ng ito ng wasto.

            Sa huli, natutunan kong ang pag-aaral ng mabuti at ang pakikinig sa aming guro habnag sila ay nagtuturo ay isang malaking tulong sa pagsasagot ng midterm exam. QAng katagang "aral pa, babagsak din naman" ng mga estudyante ay hindi tama dahil ang taong may sipag at dedikasyon ay papasa at makakakuha ng sapat na marka.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento