ABM 12
OP# 2 Lakbay Sanaysay
Sa edad kong 16 years old doon pa lamang ako nakaligo sa dagat. Dahil sa totoo lang takot ako maligo sa dagat. Pinuntahan namin ng aking pamilya ang isa pinagmamalaking beach ng Cavite na tinatawag ng marami na " Cavite de Boracay " na matatagpuan sa Ternate Cavite.
Sa pagdating namin sa naturang beach, sabihin na nating bago kami makarating sa beach mahirap ang aming naging pagpasok dahil ang " Cavite de Boracay " ay kilala rin bilang Marine base kung saan yun ay kampo ng mga sundalo. Makikita mo kung gaano kahirap ang buhay ng mga sundalo . Naglalakad sila ng malayo para makalabas sa kanilang kampo. Nang kami 'y makarating na sa naturang beach sa una nagexpect ako na maganda at napakaayos neto ngunit sa hindi inaasahan marami nang basura dahil na rin sa dami tao nung araw na iyon. Pero kahit ganun naging sulit naman dahil sa mga naglalakihang along sumasalubongsa aming lahat na nagbibigay sa amin ng isang masayang karanasan na hindi namin malilimutan. Yung mga tanawin na nagbigay samin ng mga alaalang hindi namin malilimutan kahit kailan. Sa araw na rin yun mas nakilala ko ang aking mga kamag anak na hindi ko pa nakikita.
Sa aming pag - uwi kahit na pagod dahil sa napaka habang biyahe napawi naman lahat ng mga masasayang karanasan na aming naranasan sa lugar na iyon . Sa paglalakbay na iyon na pagtanto ko na hindi sa lahat ng bagay nageexpect tayo ng sobra dahil baka sa huli madisappoint lamang tayo. Bago tayo maglakbay sa ibang lugar bakit hindi muna nating subukang lakbayin o pasyalan ang ating sinilangang bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento