Muyot , Ericka Dana
ABM 12
OP#2:Lakbay sanaysay
Noong Pebrero ng nakaraang taon, kami ay nakiisa sa isa sa pinakadinadayong pista, ang panagbenga festival! Naaalala ko pa ang masasayang mga oras ng biyahe patungo sa Baguio City. Ngayon ay apat na oras na lamang ang biyahe imbis na walo. Isang iglip mo na lamang ay nasa maganda at malamig na siyudad kana! Isa ring sitwasyon ang mahirap kalimutan, ang maligo sa umaga, dahil sa napakalamig na klima na sinamahan pa ng aming amihan sa pebrero.
Ikatlong bisita na namin ito sa Baguio City kung saan nakatira ang isa sa mga lola ko, ngunit hindi parin nagbabago ang lugar na ito. Magagandang tanawin ang iyong mapapansin lalo na kapag sumapit ang gabi at bumukas na ang mga ilaw ng nasa ibabang parte. Mga ulap na halos madama mo na at pilit nitong tinatakpan ang daan pataas, Delikado man, ngunit makakayanan.
Hindi ako magsasawang balikan at makidalo sa pista ng mga bulaklak. Dagdag mo pa ang mga sikat na artistang nakasakay sa "float". Pagkatapos ay dadaretso sa burnham park upanh manood ng nag gagandahan at nag gagalingang mga street dancers. Siguradong mamangha ka sa mga matutuklasan mo sa pistang ito. May lugar din dito kung saan pwede ka mamangka at magbisikleta kasama ang pamilya at mga kaibigan. At siguradong maaakit ka sa mga strawberry dahil sa pula at laki nito. Maraming bagay na matutuklasan at mag eenjoy ka talaga sa Baguio!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento