Lunes, Marso 12, 2018

Gonzales , Argie
ABM 12


OP#1 Replektibong sanaysay

Isang natatanging karanasan bilang isang mag aaral

        Sa bawat taon may mga karanasan tayong hindi malilimutan at bilang magaaral isa itong bagay na hindi maipagbibili o maipagpapalit kahit ano pa man.  Iyan ang  aking karanasan bilang mag aaral isang ginto na dapat pangalagaan.
         
         Unang araw ng pagpasok, taong 2005 isang batang matapang na humaharap ng silid aralan, nakakila ng iba't ibang personalidad. Magiliw na nagbabasa at nagsusulat na tila isang anghel na naglalaro sa upuan nag aantay sa uwean.
         
           Pangalawang araw ng pagpasok, taong 2012 isang babaing malakas ang loob na siyang tumiklop. Unang paglapit sa pinto ng silid aralan ay biglang kinabahan ngunit lumipas ang araw at taon siyang biglang naganahan tumanda at nagdalaga kasabay ng pagsusunog ng kilay noon biro biro sa pag aaral ngayon tila ang aking kilay ay unting unting natasahan.
           
            Pangatlong araw ng pagpasok huling araw ng aking pagpasok taon 2018 mga sandaling aking inilaga sa paaralan na siyang humubog at nagbukas sa akin sa kinabukasan. Isang munting Estudyante na ngayon magkakamit ng medalya at deploma. Sa bawat bigo, kapighatian, saya at iyakan sa huli may masayang katapusang nag hihintay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento