Miyerkules, Nobyembre 29, 2017
Figueroa , Jael A.
ABM 12 -1
Sulatin # 1
Pamagat ng paksa:
" Internship : Kuwentong loob ng tagalabas"
Mananaliksik
Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon
Unibersidad ng Pilipinas , Kolehiyo ng Arte at Literatura , Diliman Lungsod ng Quezon
Mahalagang impormasyon ng pag - aaral
Binibigyang diin ng paksa ang etika ng mga doktor bilang lunsaran ng mga kuwento ng kaapihan , katiwalian at korupsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon.
Kahalagahan ng pag - aaral
Inaalam kung ano - ano nga ba ang etika ng isang doktor sa loob ng isang ospital. Parang ipinaparating dito na hindi ganoong kadali ang maging doktor. Dahil kahit sila ay nakakaramdam ng iba't ibang emosyon na nararansan ng isang karaniwang tao .
Paghahambing :
1. Tungkol saan ang binasang abstrak?
Ang unang binasang abstrak ay pinakagatanv " Internship : Kuwentong loob ng tagalabas " na tungkol sa mga etika ng mga doktor bilang lunsaran ng mga kaapihan , katiwalian at korupsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. At ang pangalawang abstrak naman na binasa ay pinamagatang " Karansan ng isang batang Ina " na tungkol naman sa mga nararansan ng isang batang ina na batay sa anim na aspeto : emosyonal , espiritwal , mental , pinansyal , relasyonal at sosyal.
2. Bukod sa nilalaman ano pa ang kanilang pagkakaiba?
Ang pagkakaiba ng dalawang pananaliksik na tungkol sa batang ina ay mayroong mga resulta na inilagay
para madaling malaman ng mga mambabasa ang mga bagay na nararanasan ng mga batang ina. Samantala ang isang abstrak na tungkol sa mga doktora ay hindi naglagay ng mga resulta.
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang lubos mong naunawaan ?
Para sa aking opinyon mas lubos kong naunawaan ang abstrak na sulatin na pinamagatang " Karansan ng isang batang ina " . Dahil bilang isnag kabataan mas madali ako nitong mahihikayat na basahin ang naturang pananaliksik. Mas madali din nito naipahayag kung ano yung mga nararanasan ng isang batang ina. At mairerelate mo o maari mong ilagay ang iyong sarili sa naturang sitwasyon. Dahil nga sa ako'y isang kabataan magiging pasok ito sa aking interes.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento