Miyerkules, Nobyembre 29, 2017



Figueroa , Jael A.
ABM 12 - 1


Journal # 1

             Bakit mahalagang malaman ang kalikasann, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag- aaral sa iba't  ibang larang akademik?

             
                 Bago natin alamin ang halaga ng kalikasan , layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginamit sa pag - aaral ng akademik ibigay muna natin ang kahulugan ng akademikong pagsulat kalimitan itong isinasagawa sa isang institusyon na kailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
       
                 Mahalaga na  malaman natin ang kalikawan , layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulatin dahil sa ganitong paraan mas mapapadali tayo makagawa ng isang pormal na sulatin. Base sa aking sariling karanasan sa pagsusulat ng akademikong sulatin dapat alam muna natin kung ano yung layunin at paraan kung paano gagawin ang isang sulatin . Madali rin nating matutukoy kung anong uri ba ng sulatin ang madali para maipahayag natin ang mensaheng nais nating ipahayag.
             
                  Kaya mahalaga na malaman natin kung ano ang kalikasan , layunin at paraan ng pagsulat ng isang sulatin. Dahil ang bawat uri o anyo ng isang sulating akademiko ay ginagamit sa iba't ibang uri ng pagpapahayag ng impormasyon o mensahe.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento