Ocampo , Aira May M.
ABM 12 - 1
Journal #1
Sa larang akademik, mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pag-sulat ng iba’t ibang anyo ng sulatingginagamit sa pag-aaral. Ito ay magagamit ng mga estudyantengnag-aaral mula Grade1 hanggang Senior High School. Maraming layunin ang Akademikong Pagsulat, kagaya ngmakakapagsagawa ka ng wastong pangangalap ng mgaimpormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat at nakakapagsuri at nakakabuo ng wastong konsepto mula satinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral. Ang pagsulatng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral ay mas nagiging malinaw o minsan ay mas komplikado pagtungtong ngkolehiyo. Nagagamit ito sa araw-araw na pamumuhay ng bawattao, dahil sa pamamagitan ng pagsulat natututo tayong makipagkomunikasyon sa iba’t ibang tao. Halimbawa ay pag e-mail at paggawa ng iba’t ibang klase ng sulatin (love letter, complaint letter, authorized letter, at iba pa). Sa pagsulat ng akademikongsulatin kailangan na ito ay pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan upang mas lalongmaintindihan ng mga mambabasa.
Sa pagsulat nito hindi dapat estudyante lang ang dapatmatuto nito kundi pati ang mga ordinaryong tao. Bawatestudyante na natututo ng sulating ito ay nakakakuha ng iba’tibang ideya, makabuluhang impormasyon, isang paksa at dokumentado na magagamit din sa bawat pag-aaral. Katulad ngpaggawa ng pananaliksik na nangangailangan ng sapat naimpormasyon para mas maganda ang daloy nito. Sa pagsulat ngsulating pang akademiko, gumagamit tayo ng piling piling salitaat isinasaalang-alang ang target ng mambabasa. Ito ay mahigpitdin sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil angmga sulating ito ay nakatuon sa pagbigay ng iba’t ibangkaalaman.
Ang karaniwang estraktura ng isang akademikong sulatinay may simula na karaniwang nilalaman ng intoduksyon , gitnana nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ngresolusyon, kongklusyon at rekomendasyon. Isa sapinakamahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mgagawaing nauukkol sa akademiko. Dapat mas lalong bigyanpansin sa paaralan ang iba’t ibang sulatin upang mas magingmalikhain ang bawat estudyante sa pagsasagawa nito. At para magkaroon din ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat, kagaya ngating mga ninuno. Likas na sa ating mga Pilipino ang may kaalaman sa pagsusulat, kaya dapat itong mamana ng mgakasalukuyang estudyante mula Grade1 hanggang kolehiyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento