Muyot, Ericka Dana C.
ABM 12-1
Sulatin #1
Pamagat ng Paksa: "Internship: Kuwentong Loob ng Tagalabas"
Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza
Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, kolehiyo ng Arte at Literatura
Mahahalagang Impormasyon ng Pag-aaral:
Ang paggamit ng Kaugaliang "pakikipagkapwa-tao" bilang suhestisyong solusyon sa problemang etikal. Inilahad dito na ang isang karaniwang tao o ang hindi isang estudyante ng medisina ay magagamit bilang kalakasan upang malaman ang lunsaran ng mga kuwento ng kaapihan, katiwalaan at kurapsiyon sa loob ng ospital ng Pilipinas sa kasalukuyang panahon.
Kahalagahan ng Pag-aaral:
Ito ay magbibigay pugay sa mga doktor na naniniwala parin sa pagiging una ng sinumpaang tungkulin at masusuog ang mga sensitibong paksa ng etika.
Paghahambing:
1. Tungkol saan ang mga Abstrak na binasa?
2. Bukod sa nilalaman, ano pa ang pinagkaiba?
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mong maunawaan?
1. Sa pananaliskik na "Internship: Kuwentong loob ng Tagalabas" ay tinutukan ang paghahanap ng koneksiyon ng medisina at panitikan kung saan ang proseso ng pagbuo at pagsulat ng piksiyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyornaliskong pananaliksik at pamamahayag. Samantala, sa pananaliksik na "Karanasan ng isang Batang Ina" ay tumutok sa kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina na na binubuo ng anim na aspeto; emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.
2. Sa pananaliksik na "Internship: Kuwentong loob ng Tagalabas", ito ay isang uri ng deskriptibong abstrak kung saan inilahad lamang nito ang pinatunguhan ng awtor. Samantala, sa pananaliksik na "Karanasan ng isang Batang Ina"ay mayroong impormatibong abstrak kung saan inilahad ang impormasyon tungkol sa naging epekto ng pagiging isang batang ina sa kanilang buhay.
3. Sa dalawang abstrak na inihayag, mas higit kong naintindihan ang pananaliksik na "Karanasan ng isang Batang Ina" dahil malinaw nitong ipinaliwanag ang resulta ng kanilang pananaliksik at gumamit sila ng mga salitang naaayon at mas naihayag nito ang mga ebidensya ng kanilang ginawang pananaliksik,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento