Muyot, Ericka Dana C.
ABM 12-1
Journal #1
Bakit mahalagang malaman ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba't ibang larang akademika?
Ang akademikong pagsulat ay kinakailangang may mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Ito rin ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pag buo ng sulatin. Mahalagang ang susulatin ay may layunin at magandang pamagat na makakakuha sa atensyon ng mga mambabasa. Halimbawa ng iba't ibang anyo ng pagsulat ay ang abstrak, bionote, talumpati, sanaysay, sintesis at synopsis.
Ang pagsulat ay may tatlong bahagi, ang introduksiyon, gitna ng nilalaman ng mga paliwanag at ang wakas na naglalahad din ng mga rekumendasyon. Mahalagang malaman ang paraan ng pagsulat upang mailahad ng maayos ang mga ideya ng manunulat at maintindihan ito ng mabuti ng mga mambabasa. Mahalagang may layunin ang isang sulatin upang ito ay makapagbigay ng impormasyong magagamit. Mahalagang malaman hindi lang ang isang anyo ng pagsulat kundi ang lahat dahil may sari-sariling proseso ito na magagamit sa pag-aaral at pagtatrabaho.
Mahalagang ang bawat isa, hindi lamang ang mag-aaral at guro kundi ang lahat ay magkakaroon ng kaalaman hinggil sa pagsusulat ng isang sulatin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento