Lunes, Enero 22, 2018

Guialan , Christal Mae
ABM 12-1

Sulatin blg.4

Suriin mo na
1.Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa iyong sariling pag-unawa?
Ang posisyong papel isinusulat sa paraan ng panghihikayat sa mambabasa niya upang lubos na maintindihan at ito ay sang-ayunan din ang pinakda ng manunulat.
2.Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisying papel?
Mahalaga ang paglalatag ng argumento ss pagsulat ng posisyong papel para mamulat o sa kalumatan ng mambabasa at para mapalawak ang kaniyang kaalaman.
3.Ano ang mahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel?bakit ito mahalaga?
Ang mahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel ay ang mga sumusunod,
¤pagpili ng paksa batay sa interes¤magsagawa ng paunang pananaliksik
¤hamunin ang iyong sariling paksa
¤magpatuloy upang mangolekta ng sumusuportang katibayan
¤lumikha ng balangkas(outline)
Mahalaga ang mga ito upang magawa o maisagawa ang kabuan ng posisyong papel at maisakatuparan ang mga nilalaman ng posisyong papel.
4.¤Ang paggawa ng posisyong papel
¤mahusay na paggawa ng posisyong papel
¤mapahusay ang pagsulat sa paraan ng panghihikayat.
¤mga dapat isaalang alang sa pagsulat ng posisyong papel.
¤mga dapat nilalaman o napakaloob sa posisyong papel.
5.Ou,sapagkat sila ang magiging batayan mo kung maganda o maayos ba ang nagaws mong posisyong papel at sila din ang magiging inspirasyon kung bakit at dahilan ng iyong pagsulat.

Isabuhay mo na

1.Ano ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel?
Ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel ay paggamit ng wikang filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo.
2.Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel?
Iniahad ang opinyon sa posisyong papel sa pamamagitan ng pagbibigay ng sanhi at bunga,maaaring mangyari sa ating bansa at pagsasama din na katibayan na nasa batas.
3.Paano inilatag ang mga ebidensya hinggil sa isyu ?ano ano ang mga ito?
Katulad ng sinabi ko sa pamamagitan ng pagbibigay ng sanhi at bunga,maaaring mangyari sa ating bansa at pagsama ng batas.
¤kasaysayan sa daan-daang taon naging bahagi ng himagsikan noon at ngayon bago makamit ang kasarinlan nang paglaya
¤ang pag alis ng asignaturang filipino sa kolehiyo ay siyang magwawasak sa inihahandang intelektuwalisasyon ng filiino tungo sa pagpapaunlad at pagpapataas nito sa antas ng edukasyon.
¤naninindigan ang kagawaran na ipinatupad ang isinasaad sa 1987 konstitusyon artikulo XIV,seksyon 6 na nagsasabing ang filipino ang daoat maging midyum ng opisyan na komunikasyon.
4.Ano ang naging konklusyon sa posisyong papel?
Ang kanilang namantasan ay ang mapatupad ang wikang filipino sa kanilang kurso para sa paghubog ng mga mag aaral na mapaunlad ang kanilang kaalaman at kahusayan.
5.Ikaw,ano ang iyong paninindigan sa isyu?
Ang aking paninindigan sa isyu ay sang ayon ako sa posisyong papel na naisulat


Gareza , Mark Ildzeil 
ABM 12 -1

SULATIN # 4

1.Ano ang kahulugan ng posisyong papelbatay sa iyong sariling pag-unawa?
        Ang posisyong papel sa pagkakaintindi ko ay bibigyan ng manunulat ang binibigyan ang kanyang opinyon na ayon sa   kanyang panindigan ukol sa isyu o pagksang pinaguusapan. Sa posisyong papel dapat bigyan mo ng panindigan at katibayan ang iyong paniling posisyon.
2.Nararapat lamang na magkaroon o maglatag ng mga aguemento sa pagsulat ng papel upang malaman din ang paninindigan ng dalawang tao ukol sa isyu o paksang pinaguusapan.
3. Mahahalagang elemento ng posisyong papel ay ang sumusunod:
-ebidensya
-posisyon
-Argumentaibong pahayag
Mahalaga ito para mas madali kang makakagawa ng posisyong papel at mas mapaguukulan mo ng pansin ang dalawang panig
4.Dapat ay mayroon kang malakas na paninindigan sa isyung napili mo nararapat din na magbigay ka ng malakas na ebidensya ukol sa isyu o paksang pinili mo.
5. Oo dahil sila ang magbibigay opinion sa posisyong papel na iyong ginagawa. Dapat mapupukaw ang kanilang atensyon at interes

Isabuhay mo
1.Pag-alis ng wikang filipino bilang wika panturo panturo sa highschool at pag papapalit ng mga asignaturang ingles
2.Ang posisyon papel na iyong sinulat ay bibigyan ng manunulat ng katibayan at para mas mapatatag ang kanyang opininyon.
3. Inilahad kung bakit mahalaga ang wikang filipino *nagbigay ng magiging epekto kung aalisin ba ang asignaturang filipino.4.Pinapanindigan ng manunulat ang kanyang posisyong pinili at mas binibigyan ito ng diin.
5.Kung ako ang tatanungin ay sasang-ayon ako dahil bilang mamamyan ng pilipinas nararapat lang na pag-pagaralan at tangkilikin ang sariling atin














Gareza , Mark Ildzeil 
ABM 12 -1

SULATIN # 5

 1. Pupuntahan ko ang aking guro at ipapaliwanag sa kanya na nagpagkamalan lang akong nagtapon ng balat ng saging, dahil kung ako man ang kumain tyak ay itatapon ko ito sa tamang tapunan ng basurahan. Nasa itsura ko lang ang pagiging loko-loko pero hindi ko to kanyang gawin sa akin klasmayte.

 2. Isasauli ko ang papulot na wallet at ipapacheck sa kanyang baba isipin niyang ito ay akin kinahanan dahil ako ay naiinis sa kanya at may problema kami.

3. Aking ipapaliwanag ang nagawang mali ng akin ama at hihingi ng pasensya sa kanila at ipapangakong hindi hindi na ito mauulit. may isang salita kami.


Guialan , Christal Mae
ABM 12 -1
 OP#1 

Kaisipan:"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa,tema o mga tanong na bibigyang kasagutan ng nag aaral sa kanyang kaligiran,interes,at pananaw."
     
           Ayon sa kaisipan ang  pagsulat ay  may mga proseso  at layunin na ilangilang  isaalang alang ng isang mahusay na manunulat,kailangan din matutunan ang bahagi ng teksto at ang katangian ng  pagsulat .Maraming kailangan pagdaan Bago ka magsimula sa pagsulat. Malalaman natin na ang pagarl sa pagsulat ay kinakaylangang pagaralan Mahalagang ang mapatid at maunawa ng mga manunulat na tulad natin ang mga layunin ng pagsulat
          Sa paggawa ng pagsulat ay isinasagaw sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Simulan natin Sa  pagpoproseso ng bapag Sulat, bago sumulat kinakailangan munang Dumaan  sa brain ston ming ,ito ang malaya kang  mag-isip at magtala ng inyong mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa iyong paksa,isinasagawa ang pagbuburador para maibigyang pansin kung saan tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago o puna.Ang pang-huli ay ang pagkatapos sumulat pagtatama na ang mga bantas,maayos na pagkakasunod-sunod at tama ang akmang salita.Sa paraan din ng pagsasagawa ng paksa kinakailangang kawili-wilk at bumabatay ito ang iyong layunin sa una pa lamang.
          Sa paggawa ng pagsulat natjn nakabase rin ito sa ating mambabasa kanyang interes,kaligiran at pananaa na kailangan  ng manunulat na bigyan ng paksa,tema o tanong na kayang sagutin upang makamit mo ang layunin sa pagsulat.


Guialan , Christal Mae
ABM 12 -1
OP # 3 Kronolohikal na Sintesis
         
            Si titser annie ay isang guro sa barangay labo na ang kanyang tinuturuan ay ang mga mamamayang mangyan.Hindi lang basta guro ang nagiging role niya,nagiging parte na rin siya ng pamilya sa mga mangyan.Ang pagiging guro ni titser annie sa mga mangyan ay hindi biro,kailangan talaga niya ng pagpupursige at tiyaga sa malayo-layong nilalakad niya dadaan pa siya ng bangin,bundok at ilang mga ilog para makatawid sa kabilang ibayo.Lingo-lingong pagtuturo ang ginagawa ni titser annie ,ngayon niya lang naranasan ang ganitong hirap sapagkat siya ay nagmula sa private school.Dito niya naramdaman ang tunay na pagiging tao.Nakalipas ang isang oras nakarating na sila sa kumunidad ng labo.si titser annie ann ay 12 taon na nagturo sa pbulic school at dito sa school ng labo naman ay mga 2 taon na.Sa labo ay pahirapN ang pagkain at walang malinis na tubig kung hindi mag-iigib.
               Masaya naman si titser annie sapagkat dito nila natagpuan ang pagbibigayan.Ang kasama ni tiser annie sa pagtuturo ay si titser,criatel,sila rin ay nandoon para magturo ng mga matatanda na gustong matuti o mag-aral na walang hihinging bayad.Dahil sa pagiging matiyagain ni titser ann dito nakuha ni tiser annie ang loob ng mangyan.Aminado di titse ann na una ay natatakot at nandidiri siya sa mga mangyan pero natutunan niya matanggap ang lahat.Si titser ay nagtuturo ng kinder ngunit may isang dalaga na nasa 20 taon gulang na siya na nasa kinder pa lamang ,siya ay hindi nakapag aral sapagkat ayaw ng kanyang ama,ang mga mangyan kasi takot sila na may mga dayuhan na dumating,takot sila na mapalitan ang kanilang lengwahe.Maraming nagsabi na imposibleng matuto sidina pero si tiser ann hindi siya sumuko.Si dina ay hindi nakakapasok sapagkat sa hurap ng buhay,siya na din ang tumatayong ama sapagkat namatay na ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay may sakit.Pahirapan din ang pagbebenta no dina ng saging na marami,katulad ng sinabi ko marami ang kailangang daanang ilog na mababato.Ang kita ni dina na 144 pesos  ay kanyang lamang,bibili ng gamot na lamang ng kanyang ina,sa 144 pesos 2 antibiotic lang ang kanyang nabili,hindi na siya bumili ng bigas sapagkat alam niyang kukulangin ito.


Guialan ,  Christal Mae
ABM 12 - 1

Op# 4 SINTESIS


Kasaysayan ng paaralang san agustin
     Si san agustin ay ipinanganak noong august 28,354 AD sa aprika.Ang kanyang ama ay isang romanong opisyal at pag ano nangangailangang patricus,habang ang kaniyang ina naman ay isang kristiyanong babaeng nanmgngangalang monica.Ang kanyang inang si monica ay kilala ring santa sa ngayon.Sa kanyang kabataan ay naging malawak ang pag aawal ni agustin.Siya ay naging edukado sa pilosopiya,paniyikang latino at retoriko.Siya rin ay naging maalam sa mga ritwal at paniniwala ng mga pag ano.
        Noong umpisa,nagpadala sa masasamang impluwensya sa kanyang kapaligiran si agustin.Napasama siya sa mga tinatawag noong panahong iyon na mga hooligan o mga masasamang impluwensiya.Dulot dito at pati na rin dahil sa laganap na pag anong paniniwalanat kultura sa mga panahong iyon,natuto si agustin na malulong sa mga iba't ibang bisyo,katulad ng pagkakaroon ng relasyong sekswal sa mga babaeng hindi niya asawa.Nagkaroon siya ng 13-taong gulang relasyon sa isang babaeng tagacarthage na su melania.Nagbunga ang kanilang relasyon sa isang anak na lalaki na nagngangalang adeobatus,na ipinanganak noong si agustin 18 taon gulang.
      Ang saint augustine school ng tanza ay pinangalanan pagkatapos ng santo patron ng bayan,si st.augustine na tinatawag ding tata usteng.Ito ay tinatanong tinatag noong pebrero  14,1969 ni monsignor francisco v.domingo,ang parokya ng bayan iyon,inilaan bilang isang paaralang na magbibigay ng kalidad at pormasyonng edukasyon ng katolikong kristiyano sa kabataan ,pormal na binuksan ito noong hunyo 1969 at nag aalok ng kinder hanggang senior high school class.Ang sistem ng edukasyon ng katolikong paaralan ay inilaan sa ilalim ng pangangasiwa ng dela salle.At ang nakakamamanghang resulta ng operasyon ng unang taon nito ay kumbisido sa mga eskeptibong katapatan ng mga layunin at mga pangitain nito.Mula sa apat na put  apat na mga mag aaral ag dalawang guro,at ang mga kasunod na paaralan ay nakitang mabilis na pag unlad ng paaralang kapwa sa kaligiran ng estudyante at mga inupahang mga guro.

Guialan , Christal Mae
ABM 12 - 1

OP#5 BIONOTE 
         
           Si Christal mae s. Guialan ay tubong A.Soriano Dàang amaya 2 Tanza Cavite siya ay nag aaral sa paaralang saint augustine school na nasa antas ng edukasyon sa kasalukuyan ay baitang 12,ABM(accountan business management).Ipinanganak siya noong agosto 20,1999 na nasa edad ngaying 18 taong gulang na ang kasarian ay babae.Ang kayang ina ay si Judith S. Guialan.
         
           Ang mga asignaturang kinawiwilihan niya ay accouunting,finance,business marketing,business math at entrpeneurship.Ang kanyang mga natatanging kasanayan ay sumayaq,umawit at pag oobserba.
     
          Ang kanyang pinapangarap na prosesyon ay maging isang accountany,flight attendant,chief at maging entrepreneur.Ang mga natatanging o kinahihiligang gawin ay ang paglilinis ng bahay,matulog,magsulay,magbasa,tumulong sa gawaing bahay,manuod ng movie,kumain at paggamit ng cellphone.

.
Guialan , Christal Mae
ABM 12 -1

 OP#6 Landian

Landian.Ito yung akala mong matagal pero panandalian.Sabi niya ika'y mahal pero hindi nagtatagal,yung sabi niya kayo pero hindi naman totoo,yung akala mong kayo yan ang sabi niya sayo.Nagbibitiw din siya ng pangako nagsisilbing panyo at sandalan ko pero pagtinanong anong meron sa inyo magsasalita siya at sasabihing"wala kalandian ko lang to"masakit di ba?para kang binalatan ng buhay at paulit ulit pinapatay sa salitang wala kalandian ko lang to.Araw ang lumipas di ko yun ininda pinagpatuloy ang kumunikasyon kahit ako'y nasasaktan na,masakit ding isipin na ako yung  pangalawa na hahanapin mo pagkailangan mo ng kalinga.Masakit isipin na pag ika'y naiinip ako'y iyong naiisip,masakit isipin na ako ay iyong kilala pagnasasaktan ka pero mas masakit isipin na ako'y mahal mo pag di kana mahal ng bago mo.Unti unti kong napagtanto na mali ako,kapag pinagpatuloy ko ako ang talo sa larong wala akong ibang kalaban kundi ang sarili ko.Landian wag ka masyadong magpapaapekto sa matamis nyang ngitina pagod mo ay napapawi sa maalambing nyang salita na ramdam mo'y saya.Sa nga oras na ibinigay na nagdudulot ng pusong pagkaingay.
Landian,pag-ibig na mali ang konsepto na kahit anong laban mo ikaw pa rin ang talo.

Guialan , Christal Mae
ABM 12 -1

Sulatin 5(takdang aralin)Simulan mo na

1.Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa sahig uoang madulas ng iyong kaklase.
Kung ako ang nasa sitwasyon ipaglalaban ko ang aking katwiran at karapatan sapagkat ang katotohanan ay hindi namam talaga ako ang naghagis ng balat ng saging kahit na makapunta pa kami sa guidance.

2.Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo,iaabot mo sana iti sa kanya subalit,pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya.
Hindi nalang ako magagalit.kakausapin ko siya ng mahinahon at sasabihin amg nangyari at sasabihin sa kanya kasi masama ang gumasa ng mali sa kapwa ko

 3.Ang iyong ama ay dating meyor ng iyong bayan na nasangkot sa graft and corruption kaya nang ikaa ay kumandidato bilang kapitan sa inyong kumunidad ay inaasikusahan ka na isang magnanakaw.
Aking papatunayan na walang katotohanan iyon,kapag ako nanalo ipapakita ko sa kanila sa pamamagitan sa gawa ko para patunayan sa kanila.Hindi totoo ang kung ano ang puno ganun din ang bunga kasi halimbawa yung tayau ang puno kung may ugali ang puno at bunga may pagkaiba

Gonzales , Argie
ABM 12 - 1

OP# 1 
          

"Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na bibigyang kasagutan ng mag aaral sa kanyang sulating  depende sa kanyang kaligiran, interes, at pananaw "
               
         Ang pagsulat ay hindu bastang isinulat. Ang bawat  pagsulat ay may pagkasunod sunod na dapat sundin at tularan. Ito rin ay dapat naangkop sa wastong paraan. Ang pagsulat ay demedepende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw kung saan nakakagawa at nakakalikha sila ng isang sulatin.
 
          Ang isang manunulat ay dapat may karanasan na magiging daan upang makapagsulat ng maayo. Paksa, tema ay mahalagang parte na pinagtutuonang pansin ng isang manunulat dahil sa kanilang interest ay mas magiging kapa-kapakinabang ang sulating iyong isinulat. Sabawat interest at nagkakaroon ng pananaw na kung saan mas ginagamit mo upang mapatunay ang nais mong maging takbo ng iyong isinulat. kasabay nito nakakatulong din ang kaligiran na siyang nakapagbibigay kaalaman patungkol sa kanyang nararanasan at makikita.
     
          Sa bawat pagsulat ay nais nating isaalang alang na ang lahat ay magkaugnayugnay at na aayon na siyang daan upang mabigyang kasagutan ang bawat bagay na hindi ka lang sumulat dahil sa gusto mo kundi may basehab kang napagkunan, naranasan at mga sitwasyong nakikita mo na syang ginamit mo sa pagsulat .
       
          Batay sa mga nakalap naming datos at paguugnay sa pag aarak ng ginawa ng mga eksperto na sa panaho ngayon karamihan ng mag aaaral sa kolehiyo ang nahuhumaling sa Facebook. Ang  pananaliksik na ito ay naglalayong malaman kung nakakatulong ba talaga ito sa pag aarak at kung tama ba ang pag gamit nila rito. Nais rin iparating ng mg mananaliksik na ang labis na paggamit ng Facebook ay masamang epekti dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang lahat na labis ay masama.

Gonzales , Argie
ABM 12 - 1

OP#2


Epekto ng hindi Responsableng paggamit ng Facebook ng mga BSIT sa STI College Legazpi
           
            Ang pagaaral na ito ay patungkol sa epekto ng hindu responsableng paggamit ng facebook ng mga BSIT sa STI College Legazpi.  Sa kabuoan ang mananaliksik ay nakapanayam ng apatnapung (40) magaaral ng BSIT  sa STI College Legazpi na nakatuon lamang sa pag alam ng saloobin ng mga magaaral.  Ang paksa ng pananaliksik na ito ay naglalayung mas mapalawak pa ang kaaalaman ng mga magaaral tungkol sa tamang paggamit ng Facebook.  Sa pag aaral na iti ipinakita ang iba't ibang instrumentong ginamit at mga pamamaraan sa pangangalap ng datos na nagreresulta ng parehong may magaganda at masasamang dulot ang Facebook sa pag aaral ng mga estudyante. maraming magagandang dulot ang naging bunga nito una sa takdang aralin, mga paalala o anunsyo at pagkopya ng mga lektyur . Sa kabila ng mga ito mayroon din masasamang epekto ang Facebook kabilang sa mga ito ang hindi nila pagtuon sa mga pag aaaral at marami pang iba.

Gonzales , Argie 
ABM 12 - 1
 OP#3
"Titser Annie"(dokumentaryo ni Kara David)
         

Sa dokumentaryong ito ni kara David na patungkol sa isang titser na sinusulong ang hirap patungo sa kanyang tungkulin at propesyon sa mga katutubong mangyan ng Sitio Labo sa Mindoro.
       
            Si titser Annie ay dalawang taon ng nagtuturo sa Labo Elementary School sa bawat araw matinding hirap ang kanyang sinasakripisyo. labing anim na sa ilog ang kanyang tatawirin upang makapunta sa paaralan.
     
            Bata man o matanda patuloy niyang paring ginagawa ang responsibeledad sa mga katutubong mangyan. Sa umaga Baitang una "Kinder" hanggang tatlo (3) samantalang Baitang 4 hanggang 6 ay sa isa niyang pang kasamahan guri sa Sitio Labo.
         
           Isang bata ang napansin habang isinasagawa ang dokumentaryo ito ay si Dina Mantaring  isang estudyante ni Titser Annie. isang batang tumatayong ina at ama ng kanilang pamilya dahil may sakit ang kanyang ina at patay naman ang kanyang ama sa kalahating araw papasaok sya at kalahating araw siya naman magtratrabaho. sa bawat pag pasan ng isang basket ng saging ay nakakakita sya ng 144peso na syang pinambibili nya ng gamot ng kaniyang ina. bilang titser ni Dina si titser Annie ay tumutong paunti unti. isang araw nakatanggap na ng panibaging misyon si Titser Annie kung saan sya ay ililipat sa panibagong paaralan ngunit ito ay kanyang tinanggihan at nanatili sa Sitio Labi kasama ang mga katutubong Mangyan.


Gonzales , Argie
ABM 12 - 1
 OP#4 

Kasaysayan ng Paaralang San Agustin"
       Saint Augustine School ay tinayo noong Febrero 14,1969 sa pangunguna ni Monsignor Francisco V. Domingo Pari noon sa parokya ng Sta.CruZ Parish, Tanza. Ang Saint Augustine School ay sinunod sa patron na si Saint Augustine o sa tawag na "Tata Usteng".
   
         Ito ay paaralan para sa mga katolikong kristiyanong kabataan na may mataas na kalidad ng edukasyon. Sina publikong itong binuksan noong junyo, 1969 mula kinder hanggang baitang isa. Pinangunahan ito ng unang punong Guro na si Ginoong Angeles Gabutina.
       
          Lumipas ang isang taon nagtayo ulit ng mga gusali noong 1971 at sinundan pa ito ng panibagong gusali para sa High school building natapos ito nong 1972. pagtapos pinagawa ang Basketball court.
         
           Makalipas ang mahabang taon marami ng estudyanting nag aaral ngayon sa Paaralang Saint Augustine na patuloy paring naglilingkod na may mataas na kalidad at mas pinagandang serbisyo ngbpagtuturo ngayon mas pinalawak pa noong nagtayo ng panibagong gusali para sa bagong baitang na pinatupad.

Gonzales , Argie 
ABM 12 - 1

 OP#5
BIONOTE

           ARGIE GONZALES ay pinanganak noong Agosto 16,1999 at sya ay nakatira sa Tejero Convention Rosario, Cavite. Nagtapos siya ng elementarya sa Rosario Elementary School at nakakuha ng karangalan bilang nangunguna sa kanilang seksyon. Nagtapos din siya sa Hayskul napabilang sa Journalism sa Saint Augustine School .
   
           Mahilig siya sa mga babasahin patungkol sa mga Historikal ng Pilipinas at mahilig din sya magbasa ng mga inspirational books. Sa ngayon siya ay nag aaral ng mathematics.
     
            Sa kasalukuyan , siya ay isang estudyante ng ABM para sa kanyang prosesyon.

Gonzales , Argie
ABM 12 -1

 OP#6 

spoken poetry "Biyaya"

Isang biyayang ipinagkatiwala
isang mahalagang bagay na dapat pangalagaan,
Dalawang aspekto na minsan nasa itaas at minsan nasa ibaba
ngunit darating ang panahon ito'y babaliktarin ikaw tong nasa ibaba ay itataas at siyang nasa baba ay itataas.
Biyaya na sadyang pinaglaro ng tadhana na syang lumalaban sa bawat hinagpis ng kapalaran,
Darating na ikaw magsasabi na biyaya pa ba itong buhay o ito'y ibigay upang magdala ng sakit hirap at pag dudurusa.
Diko alam kailan ito babawiin , diko alam at panigurado ako di mo rin ito alam.
Diko alam bakit sa dinami rami ako ang napili at sa dinamirami ikaw syang binigyan ng biyaya ng buhay, mga tanong bagay na hindi ko alam at hindi maipaliwanag.
isang balangkas na magpapatibay na may katapusan itong kahirapan,
mga salita nangingibabaw sa bilanguan!
Diko alam biyaya pa ba itong buhay!.
Tatlo, lima, sampu sampung taon kang nakatago sa kadilim ng heras na bago mo malaman na ito pala'y biyaya, biyaya ng may kapal.
At don mo mapagtatanto na dapat itong pangalagaan at respetuhin.
Baguhin ang iyong nakasanay magumpisa ng panibagong misyonsimulan mo ngayon.

Gonzales, Argie
ABM 12 -1

OP#7

Posisyong papel "editorial"
Isyu: Patungkol sa Martial Law sa Mindanao
     

  Sa mga nakalipas na araw usap usapan ang Martial  Law na ipinahayag ng pangulo patungkol sa mga sigalot na nangyayari sa Mindanao. Sa aking Posisyon ang pagpapatupad ng Martial Law ay hindi basta basta na ipanahahayag at saaking opinyon Hindi dapat ito ipatupad dahil ang Martial Law noon ay nagdala ng sakit, hirap at pagdudurusa sa mga Pilipino ngayon ito'y syang pinahahayag sa Mindanao na dapat Hindi naaangkop.

 Gareza , Mark Ildzeil
ABM 12 - 1
 OP 5
   
             Si Mark ildziel gareza ay pinanganak sa trece martires noong agosto 31,2000 at siya ay nakatira ngayon sa lhinette homes biga tanza cavite. Nagtapos siya ng elementarya at high school sa sawyer integrated school.Noong siya ay nasa elementarya ay nakahiligan niyang maglaro ng computer games at nagwagi nadin sa isang patimpalak ng computer games siya ay nag champion sa isang laro na kung tawagin ay " special force" highschool na siya ng matutong magbasketball at siya napasali nadin sa isang jorunalism competition

Muyot , Ericka Dana
ABM 12 -1
OP#1


 "Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na binibigyang kasagutan ng mga mag aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw."
   
             Ang pagsulat ng isang teksto ay dapat may sapat at makabuluhang layunin. Sa pagbuo ng layunin, dito ay maaaring makadiskubre ng isang nakakaakit na paksa na maikokonekta sa tema. Bakit mahalagang bigyan ng pansin ang mga ito? Dahil ito ay nakabase sa interes at pananaw ng manunulat kung paano niya ilalahad ng wasto at kawili-wili ang mga impormasyon.
 
              Bilang isang epektibong manunulat, mahalagang malaman muna nito kung sino ba ang kaniyang mambabasa. Dito ay makabubuo siya ng isang layunin o patutunguhan ng kaniyang sulatin. Pagkatapos nito ay makabubuo ng isang paksa at tema kung saan iinog ang kanyang susulatin. Mahalaga rin na malaman ang mga tanong na nais masagot ng mga mambabasa dahil dito malalaman kung gaano kalawak ang kaalaman ng manunulat at kung gaano kalalim ang pananaw niya. Dapat ding ipakita ng manunulat ang kumpyansa at paninindigan upang maging mabisa ang kaniyang paglalahad ng teksto. Mabisang gumamit ng sariling kaalaman, interes at pananaw upang maipaglaban at maunawaan ang mga bagay at maipaintindi ito sa mambabasa.
   
              Ang bawat isa ay may sari-sariling pananaw sa buhay. Ang kahat ng ito ay naihahayag sa pamamagitan ng pagsusulat kung saan malayang nasasambit ang emosyon at panukala ukol sa paksang isinasambit. Kaya naman, sa pagsulat ay mahalagang nay makabuluhang paksa at tema na maipapaliwanag o mailalabas depende sa kung ano ang nararamdaman, interes at pananaw ng isang manunulat.
Muyot , Ericka Dana
ABM 12 - 1

OP#2: Deskriptibo




Ang pamumuhay ng mga Metro Aide sa Bayan ng Tanza.
         
           Inalisa sa pag-aaral na ito ang proseso ng pamumuhay ng mga Metro Aide sa Bayan ng Tanza. Ang pagiging metro aide ay isang marangal na trabaho kung saan ang walis ay ang kanilang sandata sa paglilinis sa kapaligiran na nakapagpapabawas ng sakit sa mamamayan. Bagamat ito ay isang marangal na trabaho, ang mga tao noong 50s at 60s ay walang kanaisan sa pagiging isang camineros o camineras kung saan ito ang dating tawag sa mga street sweeper. Hindi naging madali ang kanilang trabaho dahil ang tingin sa kanila ng mga tao ay isang alipin na hindi dapat nirerespeto.
 
           Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mapakinggan, malaman at mabigyan ng boses ang mga hinaing ng mga metro aid sa kanilang pamumuhay at pagtatrabaho. Layunin din nito na matulungan silang iparating sa gobyern ang nararapat nilang benepisyo.
   
            Bukod sa mga hinaing na nabanggit ay mayroon din silang kahilingan sa kanilang kalusugan na bigyan sila ng 30 minutong pahinga sapagkat maari itong makapagdulot ng stroke. Nangangahulugan lamang ito na hindi madali ang pamumuhay ng mga metro aid kaya naman mithiin ng mga mananaliksik na bigyang halaga ang bawat isa sa kanila.

Muyot , Ericka Dana
ABM 12 - 1

OP#3: Kronolohikal na sintesis



"Titser Annie"
     
           Ipinakita ng programang iwitness na pinangunahan ni Kara David ang pamumuhay ng isang huwarang guro na si Titser Annie sa Sitio Labo kung saan siya sy nagtuturo sa mga bata at matandang Mangyan. Mahigit tatlong oras ang kailangang suyugin upang makarating sa paaralan. Isang oras na lakaran, isang oras na tawiran sa 16 na ilog at isang oras ulit bago pa man makapunta sa komunidad. Dito ay kasama niya ang kanyang katrabaho na si Titser Kristel. Ang kanilang tinuturan sa umaga ay ang mga batang Mangyan at sa gabi naman ay ang matatanda. Noong una ay hindi alam ni Titser Annie kung paano niya tatanggapin ang mga bata dahil sila ay madudumi, ngunit di nag laon at natutunan niya itong mahalin.
     
         Isang estudyante ni Titser Annie ang pumukaw sa atensyon ng programa. Si Dina ay isang dalagita ngunit ngayon lamang siya pinayagang pumasok sa paaralan. Gayonpaman, saglit lamang siya sa paaralan dahil siya ang tumatayong ama't ina ng mga kapatid niya. Ang nanay niya ay dalawang taon ng may sakit at siya ay kumukuha at nagbebenta ng saging upang maibili ng gamot ang kaniyang nanay. Makikita sa programa ang hirap na pinagdadaan ng mga Mangyan pero sa kabila ng lahat ay nandito si Titser Annie upang tumulong at magmalasakit.

Muyot , Ericka Dana
ABM 12 - 1

 OP#4
   

         Ang Saint Augustine School ay itinayo noong Pebrero 14, 1969 sa pamamagitan ni Monsignor Francisco V. Domingo, isang pari noong mga panahong iyon. Ito ay pinangalanang Saint Augustine dahil sa kanilang patron na si "Tata Usteng". Misyon ng paaralang ito na magbigay ng serbisyo noong Hunyo 1969. Sila ay nagsimula lamang sa pagtuturo ng kinder at grade one. Ito rin ay pumasailalim sa De La Salle supervision at nakapagbigay ng isang magandang operasyon sa unang taon. Dahil dito, mas dumami pa ang nagkainteres na pumasok sa paaralang ito at makalipas ang isang taon ay nag alok narin ang paaralan ng elementarya at highschool. Sa kasalukuyang pahanon, ang Saint Augustine School ay nag-alok narin ng Senior Highschool at patuloy na lumalago sa tulong ng huwarang direktor,principal at mga guro na nagpapatakbo sa paaralang ito.

Muyot , Ericka Dana
ABM 12 - 1

 OP#5
     

         Si Ericka Dana C. Muyot ay tubong Rosario, Cavite. Siya ay nasa ika-labing dalawang grado sa highschool na nasa ABM strand sa paaralang Saint Augustine School Senior Highschool- Tanza, Cavite. Ipinanganak siya noong Agosto 23,2000 at ang kaniyang ina ay si Merlinda C. Muyot, samantala ang kaniyang ama naman ay si Alvin H. Muyot. Ang kinawiwilihan niyang asignatura ay matematika na naging nahilan ng pagpangarap niya sa propesyong Accountant.
   
        Kinahiligan niyang manood ng iba't ibang pelikula, ang pagkatuto sa pagtutulo at pagpunta sa ibat ibang lugar. Siya ay pinangaralan ng ikalawang parangal noong Grade 8 at 9. Nakatanggap din siya ng parangal bilang isa sa bronze awardee noong siya ay Grade 11 at pansamantalang Silver awardee sa kasalukuyan.

Muyot , Ericka Dana
ABM 12 - 1

 OP#6 

"Paalam na muna"
Tahimik
Tahimik ang buhay ko noong wala ka pa
Gigising sa umaga na pagbangon lang ang problema
Ngunit noong dumating ka ang lahat ay nag iba
Umaga
Umaga na at akoy maliligo na sana pero mas pinili kong basahin muna ang bati mong "mahal, maganda kapa sa umaga"
Hanggang sa masanay na ako na tingnan ang telepono ko tuwing sasapit ang umaga.
Tanghali
Sasapit ang tanghali at magbabakasali na makita ang ngiti sa iyong mga labi
Dahil kahit ako ay napapangiti tuwing nakikita kita sa tanghali
Umaga, tanghali, gabi na nasanay akong andito ka sa aking tabi at nakaligtaan ko ng isipin kung ano bang mangyayari saakin kung bigla ka nalang mag laho na parang walang nangyari.
"Mahal,hindi kita iiwan"
"Hindi na kita muling pakakawalan"
"Hindi ko kakayanin kung hindi ka magiging akin dahil isa kang pangarap na nais kong abutin"
Tatlong katagang iyong binitawan bago pa man alo mahulog ng tuluyan.
Naging masaya ang sumunod na araw, damang dama ang namuong pagmamahalan na binalak sundan ng mga pangakong binitawan.
Ngunit isang araw lumamig ang simoy ng hangin, kasabay ng pagbabago ng pakikitungo mo sa akin.
Hindi ko alam kung saan nagsimula ngunit hindi rin nag tagal at nangyari nga ang kinatatakutan kong araw kung saan ang lahat ng nakasanayan ay unti-unti ng naglaho, tuluyan ng nagtago at di na muling nakamtam.
Mga pangakong walang ginawa kundi mapako. Nakakasawa nang pakinggan paulit ulit na lamang, hindi na dapat pang ipag laban dahil ako nalang rin naman ang lumalaban.
Isang mapait na karansan man, ngunit kailanmay di ko pinagsisisihan na pinili kong maranasan ang ganitong kalikasan dahil kahit may sakit itong dulot, may aral din naman akong natutunan. Iintindihin ko na lamang, nagsisimulang muli at pagtutuunan na muna ng pansin ang pag aaral, pamilya at kaibigan. Dahil ako rin naman ay may pagkukulang.
At kung sakaling darating ang panahon na babalik ka sasabihin mong "handa kana", ang lahat ay pag iisipan ko muna dahil ang isang beses ay sapat na. Mahal, paalam na muna.

 Muyot , Ericka Dana
ABM 12 - 1

OP#7

       Ang mahalagang isyu na binigyang diin sa editorial na ito ay ang pagpapatupad ng K-12 curriculum o ang pagdagdag ng dalawa pang taon sa pag aaral ng highschool.

        Base sa isyu na inilatag sa larawan, ako ay sang-ayon sa pagpapatupad nito. Bilang isang estudyanteng nakakaranas ng curriculum na ito, masasabi kong higit itong nakatulong sa ñagiging handa sa kolehiyo. Higit akong natuto at masasabi kong mas naging independent ako sa paggawa ng mga bagay na sarili ko lang ang kakampi ko. Isa rin sa kagandahan ng curriculum na ito ang dagdag kaalaman at mas mapapadali ang pag kuha sa trabaho. Sa kabilang banda, magdudulot ito ng dagdag gastos sa mga magulang ngunit ang pamahalaan ay nagbibigay naman ng libreng pag aaral sa pampublikong paaralan at may voucher naman sa mga pribadong paaralan. Naniniwala akong may magandang maidudulot ang curriculum na ito kung magsisikap at magtutulungan ang bawat-isa.

Gareza , Mark Ildzeil
ABM 12 - 1

 Op 1
     
             Sa aking pagkakaalam ang pagsusulat ay nangangailangan ng paksa,tema,interes at pananaw upang ikaw ay makabuo ng isang maayos na sulatin. Ang apat na ito ang nagbibigay buhay sa isang sulatin upang mas maging maganda at kawili-wili basahin. Mahihirapan kang bumuo ng isang sulatin kung ikaw ay hindi gagamit ng paksa,tema,interes. Ang bawat mag-aaral ay dapat matutuhan sumunod sa sistematikong pamamaraan ng pagsulat. Ang sistematikong pamamaraan ng pagsulat ay matagal ng magkakaugnay kapag nawala ang isa o hindi na gamit mahihirapan ang mambabasa intindihin. Ang iyong isinulat marahil sa mga impormasyong hindi mo nailagay. Paksa,tema,interes at pananaw ay mga gabay sa pag-gawa ng pormal at nakakaagaw atensyon pagsulat.
     
           Bagkus ang mga ito ay nakakalimutan gamitin ang mga mag-aaral ay nahihirapan gumawa ng isang pang akademikong sulatin na nag reresulta minsan sa pag-gawa ng di-pormal na sulatin, Dapat ang manunulat ay interesado talaga sa kanyang sinulat upang unawain ang kanyang sinusulat at magkaroon ng koneksyon sa mambabasa.

Gareza ,  Mark Ildzeil 
ABM 12 -1
 Op 2 
          
         Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pag reretiro sa trabaho sa tamang edad. Sa kabilang banda, hindi gaanong karami at kataas ang benepisyong makukuha ng isang  simpleng manggawa katulad ng mga drayber sa kompanya o pribadong drayber. Madaling bigyan ng kahulugan ang salitang retiro para sa may mataas na sahod at maganda ang trabaho.

         Sa pag-aaral na ito ipinapakita kung ano ang sanhi ng pagreretiro ng isang manggagawa sa murang edad. at ayon sa pag aaral ng harvard health publishing ( Harvard medical school) maraming tao ang nagkakaroon ng karamdaman dulot ng penomenang ito. At sinasabi sa pag aaral na 40 bahagdan sa 5,422 ang nag kakaroon ng sakit na heart attack at stroke na karaniwang sanhi ng pagreretiro.

          Sa ating lipunang kinabibilangan, mas dapat pagtuonan pansin ang pag tatrabaho upang makaipon ng mantustos, Pero dahil nga sa age limit ng mga trabaho ay madalas hindi na sila makabili ng mga pangangailangan nila na nag reresulta sa kahirapan. White collared job ito ang klase ng trabaho na kapag nag retiro ka ay maraming benepisyong makukuha. Ang blue collared job naman ay wala o minsan lang nag kakaroon ng benepisyong nararapat para sa nag tatrabaho.

Gareza , Mark Ildzeil
ABM 12 - 1

Op 3 
         
      Isang normal na tao na hindi sanay mabuhay sa bundok at sumuong sa mahabang lakbayin upang magampanan niya ang kanyang misyon sa mga katutubo.

           Si titser annie ay isang guro sa pribadong paaralan na higit labing apat na taon pero mas pinili ang misyon niya sa kabundukan kaysa sa dating buhay niya. Kaylangan ni titser annie mag lakad ng isang oras at labing-anim na ilog para makarating sa nayon. Ang tinuturuan ni titser annie ay kinder hanggang grade 3 at ang kasama niyang guro na si titser kristel ay grade 4 to 6 pero bago sumapit ang dilim binibigyan din nila ng oras ang mga matatandang mangyan para kapag wala sila titser kristel at titser annie ay maturuan nila ang mga anak nila ngunit sa kalangitnaan ng dokumentaryo ay napukaw ang pansin ang isang estudyante na si dina na mahigit bente anyos na pero nagsusumikap padin mag aral siya at nasa kinder pa lamang siya at ng binisita ni titser annie si dina sa kanilang bahay ay sumalubong ang nanay niyang si vilma na dalawang taon ng may sakit na pulmonya. Si dina ay tatlong araw ng hindi pumapasok sa eskwelahan dahil siya ay nag tatrabaho sa sagingan, hinahatid niya ang mga saging sa bayan na mahigit dalawang oras siyang naglalakad at ang kinikita niya lamang ay isang daan at apat napu`t apat sa mahabang paglalakad para mahatid ang saging. Ang pamumuhay ni titser annie ay simple lamang kaya pag katapos magpakain sa mga estudyante ay tinutulungan ni dina maghugas ng pinggan si titser annie, binigyan din siya ng offer na lumipat na sa kapatagan ngunit mas pinili niyang tumigil sa bundok dahil napamahal na sa kanya ang mga katutubo inamin niya na sa una ay nadidiri siya.

Gareza, Mark Ildzeil
ABM 12 - 1

OP 4

            Ang iskwelahang san agustin ay itinayo nung pebrero 14,1969 ni mr. francisco v. demingo, Siya ang prokyang pare sa baryo ng tanza noon. Ang san agustin ay nagbigay at nagpakita ng magandang pagtuturo sa mga bata ng christian education o edukasyong pang kristyano para sa mga bata. Unang binuksan ang san agustin noong hunyo 1964 at ang una nilang binigyan ng edukasyon ay para sa kinder at grade 1. Ang iskwelahang San agustin ay pinangalanan dahil sa patron sa santo ng bayan ng tanza na si St. Augustine o mas kilalang tata usteng. Ang unang prinsipal ay si Sr.Angeles gabutina.Ar at makalipas ang buwan pinalitan ito ni Sr. clemencia ramin at noong panahon iyon ang san agustin ay hawak ng dela salle university o DLSU at noong parahon din yon ay maganda ang ipinakitang edukasyon ng sas o san agustin at biglang dami din ng kanilang estudayante at ng dahil don ay nakapag patayo na sila ng mga building katulad ng building para sa highschool at ang kasunod nilang itinayo ay ang basketball court at nung umalis na si Sr. ranin ang san agustin ay nagkaroon ng maayos na posibilidad at maayos na edukasyon. Ang pumalit sa kanya si sra. Matilde at hindi nag tagal ay napalitan din siya, sa kasalukuyan ang namamahala sa san agustin ay si Bnbng. Mercidita pacumio naging principal noong 1989 hanggang sa kasalukuyan.

Gareza, , Mark Ildzeil
ABM 12 - 1
 OP 6

 Ako`y di iba sa karaniwan
Ang tanging hangad ay kasiyahan
Ngunit sa isang banda ako`y napabayaan

Aking tanging hiling nawa`y makadama Ng kahit karampot na kalinga
Kahit kaunting oras na kayo`y kasama
O aking ama at ina

Pagkukulang nila`y sa iba hinanap layaw ng pag-iisa sa kaibigan hinahanap-hanap


Araw-araw wala sa paaralan
Araw-araw nasa kompyuteran
Araw-Araw pinapagalitan
at sa araw-araw siya`y pinapanalangin na lumisan ng matapos na ang kahirapang nararanasan

Lumipas ang panahon pati sa kamay ng Panginoon ay nawalay

Isang taon hindi dumalaw sa simbahan
Isang taon na puro kasalanan
Isang taon na puro karangyaan
Isang taon na puro huwad na kasiyahan

Sa kabila ng lahat na ito
Sa loob ko`y tila kulang parin
May hinahanap-hanap
Ngunit sa haba baha`y hindi matagpuan

Sa malayo hinahanap ang atensyon na kayla

Sa malayo hinahanap
Ang atensyon na kaylangan
Ngunit kung iisipin
Siya`y nasa harapan lamang

Sa paglalayag ng isipan
Aking napagtanto na ang natatamasang buhay
ay dulot ng kanilang sakripisyo at pagmamahal
Magkulang man sila sa ibang bagay napupunan naman ng pag-ibig na wagas.
Gareza , Mark Ildzeil
ABM 12 - 1

Op 7 

      Ito ay tungkol saating komunidad na ang mga users ay kinakatakutan na ng mga tao lalo na ang mga bata. Kadalasan rason kung bakit natatakot ang mga bata sa mga drug users ay dahil sila ang kadalasang biktima ng mga ito na nagiging sanhi ng pagkatakot ng bata. Katulad nung nakaraang insidente na ang isang drug user ay ginahasa ang siyam na buwan na sanggol.

Sabado, Enero 20, 2018

Figueroa , Jael A.
ABM 12 - 1

OP # 7 POSISYONG PAPEL



                        Ang mahalagang isyu na tinutukoy sa larawan ay ang pagbaband ng paputok. Pinapanukala ng ating gobyerno ang pagpapatigil ng paggamit ng paputok sa buong bansa. Ngunit marami ang kumontra lalo na ang nagtitinda ng paputok.

                       Alam at nakasanayan na natin ang paggamit ng paputok sa mga mahahalagang okasyon lalo na kapag New Year o Bagong taon. Hindi naman masamang gumamit ng paputok dahil parte ito ng ating pagdiriwang ngunit sa patuloy na paggamit natin ng paputok maraming tao ang napapahamak ma pa bata o matanda man . Dahil sa marami na ang bilang ng nagaaksidente dahil paggamit ng paputok isinulong na nga ni Pangulong Duterte ang total band ng paggamit ng paputok. Kahit sa  mahahalagang okasyon meron paring mga paraan para maipagdiwang natin ito ng masaya. Gumamit tayo ng mga pampaingay para magsilbing tagapag ingay sa pagsalubong natin ng bagong taon.

                    Ang paggamit ng paputok ay walang magandang maidudulot lalo na sa ating kalusugan . Ito rin ang maghahatid sa atin sa kapahamakan at magiging dahilan ng pagikli ng ating buhay.

Figueroa , Jael A.
ABM 12 -1

OP # 6 Talumpati

                                                                    "Para kang bula "

Kaibigan ,
Eto yung taong kapag nadapa ka imbes
na tulungan ka tatawanan kapa. Sila rin 
yung taong alam mong hindi ka iiwan 
bukod sa pamilya mo. Yung taong ibibigay
mo yung buong tiwala mo dahil alam mong
karapat dapat siya sa tiwalang yun

Yung kaibigang pagsasabihan ka sa mga 
maling ginagawa mo na daig pa ata ang
nanay mo kung magsermon at yung kaibi-
gang dadamayan ka at papasayahin ka lalo
na kapag broken ka at ipamumukha sayo na
may halaga ka na hindi katulad ng siraulo
mong ex na walang ibang ginawa kundi ang
paiyakin ka

Kaibigang tinuring mo nang bahagi ng pamilya
mo dahil sa sobrang lapit niyo sa isa't - isa. Ka-
sama mo mapa foodtrip , kalokohan at kahit saan 
pa. At yung kaibigang tatanggapin ka ng buong
buo kahit anong ugali meron ka at kahit sino ka pa

Ngunit ang sakit pala sa pakiramdam na yung taong 
pinagkatiwalaan mo at minahal mo na parang kapatid 
mo iiwan ka na lang at maglalaho na lang na parang 
bula. Na mas masakit pa ata sa pag-iwan sayo ng jowa 
mo.

Yung pangakong hindi mo ko ipagpapalit sa iba at hindi
mo ko iiwan ngayon ay isang alaala na lang na alam natin 
na hindi na maaring maibalik pa .Halos apat na taon ang 
ating pinagsamahan .Pero lahat ng yun ay nawala na parang 
bula.

Ang sakit lang isipin na ako pa ata ang may kasalan kung 
bakit ang matagal nating pagkakaibigan ay biglang nanlamig.
Pero ngayon ayoko na muli  pang balikan ang nakaraan dahil
kung ito'y paulit-ulit ko pang alalahanin paulit - ulit ko rin 
itatanong sa aking sarili na ako ba ay tinuring mong kaibigan
at tunay na kaibigan nga ba kita. 
Figueroa , Jael A.
ABM 12 -1

OP #  5 Bionote



                               Si Jael A. Figueroa ay nagmula sa Rosario ,Cavite, siya ay ipinanganak noong Agosto 06 ,1999 sa Rosario , Cavite. Siya ngayon ay labing taong gulang na at kasalukuyang nasa Baitang 12 sa Saint Augustine Senior Highschool Tanza , Cavite at kumukuha ng Accountancy , Business and Management. Anak siya nila Fatima A. Figuero at Joel L. Figueroa at panganay sa apat na magkakapatid.
  
                                Habang sa kanyang pag -aaral sa elementarya nakakuha siya ng ilang mga awards katulad ng batang may huwarang pag - uugali , batang may karangalan at nakakuha rin ng karangalan sa larangan ng sports ng Tennis. At sa pagtungtong niya sa Junior HighSchool ay nakakuha rin siya ng karangalan ng sports. Ngayon sa kanyang piniling kuning " strand " ginawa niya ang kanyang makakaya para matapos niya ang napili niyang laranagan.Kinahihiligan niyang maglaro ng tennis at manood ng tv . Ang kinahihiligan niyang asignatura ay Physical Education at Arts.

                             Sa kanyang paggraduate sa Senior HighSchool pangarap niyang maging isang matagumpay na Financial Manager sa isang sikat na kompanya at magkaroon ng sariling negosyo para sa kanyang pamilya.
Figueroa , Jael A.
ABM 12 -1

OP # 4 Sintesis


                               Ang paaralan ng Saint Augustine School Tanza , Cavite na isinunod sa pangalan ng patron ng simbahan ng Tanza na si Saint Augustine o mas kilalang Tata Usteng. Itinayo ito noong February 14, 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo na siyang naturang pari ng simbahan noong panahon na iyon.

                               Ang paaralan ng Saint Augustine School Tanza ay opisyal na binuksan sa mga mag-aaral ng kinder hanggang grade one noong June 1969. Si Sr. Angeles Gabutibg Ar. Ang unang principal ng paaralan na nagtagal ng dalawang taon at sinundan naman ni Sr. Clemencia Ranin. Ang "educational system" ng Saint Augustine ay nasa pamamahala ng Dela Salle , simula sa 44 na estudyante at 2 guro mas dumami pa nag bilang ng mga ito dahil sa matagumpay at maayos na pamaamlakad sa paaralan , pagkaraan ng isang taon nag patayo ng primary building sa gilid ng simbahan at sa taong 1971 nagsimula ulit magpatayo ng isa pang buildibg para sa silid - aralan ng highschool at natapos sa taong 1972 na sinundan naman nang pagpapagawa ng basketball court.

                            Noong 1971 sumunod na principal ng paalaran ay si Sr. Matilde . Nagtagal ang kanyang panunungkulan ng dalawang taon . Habang si Sr. Ma. Leonara ay ang nagsilbing principal sa elementarya sa loob ng isang taon . At sumunod naman si Miss Patrocinio San Juan noong 1973 hanggang 1976. Sa taong 1975 nagretire bilang pari at "school director " si Monsignor Francisco V. Domingo . Si Fr . Luciano Paguigan ang naging bagong school director at pinalitan naman ni Fr. Corsie Legaspi si Miss San Juan bilang principal noong 1977 na nagtagal ng isang taon at sinundan naman ni Miss Julieta Hernandez noong 1980 hanggang 1989 at sinundan muli ni Rev. Fr. Teodoro Bawalan bilang "school director" at Mercedita Pacumio bilang principal mula 1989 hanggang sa kasalukuyan .
                 
                           Simula sa umpisa hanggang sa kasalukuyan makikita parin ang patuloy na pagbabago at matagumpay na pamamalakad ng paaralan. Patuloy nilang ginagawa ang nasimulanh gawain para sa mas magandang kinabukasan ng paaralan.
Figueroa , Jael A.
ABM 12  - 1

OP # 3 Kronolohikal


                                                                   Titser Annie

                     Si Titser Annie ay guro sa Mindoro Oriental. Ngunit bago siya magturo sa paaralan ng Sitio Labo ay nagturo muna siya ng labing apat na taon sa private school. Bangin , ilog , at bundok ang kailangang sungiin ni Titser Annie bago siya makarating sa paaralang kanyabg pinapasukan. At ito ang linggo -  linggo niyang ginagawa para lamang makapagturi. Para sa kanya mas madaling magturo sa private school ngunit napagtanto niya na mas kailangan siya at maipapakit niya ang totoong siya at naramdaman niya na totoong tao siya. Labing anim na ilog ang linggo linggo niyang tinatawid.

                    Habang sa paglalakad nila ni Titser Annie nakasabay nila anh mga batang mangyan na dala dala ang mga libro na mag-iisang linggo na sa bundok dahil saka dahilanang mataas ang tubig sa ilog. Isang oras ang kanilang tinatahak para makarating sa Sitio Labo . Dalawang taon ng nagtuturo si Titser Annie sa lugar ng mga mangyan kasama ang kanyang co - teacher na si Titser Kristel. Nakikita at napapansin ni Titser Annie na marunong ang mga batang mangyan na magbigayan , para pasalamatan ang mga mangyan tinuturuan nila ang mga matatandang mangayan para kung sakaling wala sila maari nilang maturuan ang kanilang mga anak. At itong kanilang pagtuturo ay walang dagdag sa kanilang sweldo . Inamin ni Titser Annie nasa una ay nakaramdam siya ng takot at pandidiri ngunit nabago yun dahil naging masaya siya sa pagtuturo . Kinder hanggang grade 3 ang kanyang tinuturuan at samantalang si Titser Kristel ay grade 4 hanggang grade 6 naman ang tinuturuan.
     
                   Sa klase ni Titser Annie sa kinder pinakamatanda sa kanyang klase ay si Dina na dalawangpung taong gulang na . Sa kalagitnaan ng klase umuwi si Dina sa kadahilanang kailangan niyang alagaan ang kanyang ina na dalawang taon  nang may sakit . Kaya nagtatrabaho siya sa sagingan para may ipambili ng gamot. Ngunit sa pagdala niya niyo sa kapatagan ₽ 144.00 lang ang kangyang nakuha. Sinabihan ni Titser Annie ng higher education na tapos na ang kanyang sakripisyo sa pagtuturo sa Sitio Labo . Maari na siyang magturo sa kapatagan sa Villa Pag-asa Elementary School. Pero tinanggihan niya mas pinili niyang maging guro ng mga mangyan . Dahil para sa kanya may maiiwan siyang responsibilidad. Dahil gusto niya sa kanyang pagtanda may maiiwan siya na legacy sa kanyang mga estudyante.
Figueroa , Jael A.
ABM 12-1

OP # 2 IMPORMATIBO

                                            
                                            Estratehiyang Tradisyunal at Moderno:
                                             Isang paghahambing ng pagtuturo sa                                                                                                     mga mag - aaral ng baitang 11 ng 
                                             Escuela Secondaria Senor de Salinas



                Ang layunin ng pananliksik na ito ay upang maipaghambing ang Tradisyunal at Modernong Estratehiya sa pagtuturo. Upan masuportahan ang nasabing pag - aaral ang nagsagawa ang mga mananaliksik ng hakbang para makalap ang mga datos at impormasyon nito .

            Ang sinabing pananaliksik ay sumasailalim sa quantitative method at ginamitan ng percentage at average para makalap ang mga naturang datos. Upang makakalap ng mga datos mananaliksik ay namahagi ng mga sarbey sa piling mag-aaral ng Baitang II ng Escuela Secondaria Senor de Salinas at nagsagawa rin ng panayam na itinanong naman sa mga guro ng Rosario National Highschool.
         
            Ang bilang ng mga mag- aaral ng Escuela Secondaria Senor de Salinas na nakilahok sa naturang pananaliksik ay limangpu (50) samantala ang bilang naman ng mga guro ng Rosario National Highschool na totoong sinagot at aktibong nakilahok sa naturang panayam ng pananaliksik ay (10). Hinati ang mga kalahok sa kanilang edad at kasarian.

               Ayon sa nakalap ng mga mananaliksik ang mga katanungan na mayroong kaugnayan sa Tradisyunal na Estratehiya sa pagtuturo ay nakakuha ng average na 37.2% habang ang mga tanong naman na may kinalaman sa Modernong Estratehiya sa Pagtuturo ay nakakuha ng average na 53.6%.Habang sa panig naman ng mga guro , para sa mga matagal at bagong guro nakakuha ng 40% ang tradisyunal na pagtuturo at 60 % naman sa Modernong Estratehiya ng pagtuturo . Kaya sa makatuwid lumabas sa pag - aaral na mas epektibo ang Modernong Estratehiya ng pagtuturo.
                       

                     

Biyernes, Enero 19, 2018

Figueroa , Jael A.
ABM 12 -1

OP # 1 PAGSULAT
       
           '' Ang  pagsulat ay umiinog sa mga paksa , tema o mga tanong na nabibigyang kasagutan ng mag - aaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran , inters at pananaw"





                      Ano nga ba para sayo ang pagsulat ? Ano - ano ba ang mga bagay na iyong isinasaalang - alang para makabuo ng isang sulatin ? Ngunit bago natin alamin ang mga bagay na ito alamin muna natin ang kahulugan ng pagsulat. Ang pagsulat ay proseso kung saan ito'y binubuo ng mga ideya at kaisipan ppara makabuo ng isang impormasyon . Ngayon ating alamin ang bagay na ating dapat isaalang - alang para makabuo ng isang sulatin .

                     Ang pagsulat ay kalimitang isinasagawa sa mga paaralan. Dito natin nililinang ang ating mga kakayahan. Ngunit paano nga ba tayo makakabuo ng isang magandang sulatin. Bago gumawa ng isamg sulatin dapat alam natin ang paksa , tema o mga tanong na magbibigay ng mga kasagutan sa sulating ating ginagawa. Sa pagsulat ng isang sulatin dapat hindi lang tayo pumipili ng isang paksa ng basta basta lang .Dapat kapag tayo'y pumili ng paksa dapat mayroon tayong sapat na kaalaman at interesado tayo sa paksang ating pinili. Sa ganong paraan mapapadali tayo sa paggawa ng isang sulatin. Ako bilang mag - aaral bago ako gumawa ng isang sulatin umiisip muna ako  ng isang paksa na madali kong mabibigyan ng opinyon. Pumipili ako ng paksa na pasok sa aking interes. Gusto ko ang aking paksang pinili ay mabibigyan ko ng isang magandang " feedback " o sagot. Sa simpleng pagpili ng paksa mas mapapadali kong maipapahayah ang aking mga inanahing dahil sa may sapat akong kaalaman at interesado ako sa paksang pinaguusapan.

                  Kung ating titingnan ang pagsula ay hindi isang madalin gawain . Mayroon tayong mga bagay na isinasaalang - alang para makabuo ng isang maganda at maayos na sulatin. Pumili tayo ng paksang mabibigyan natin ng makabuluhang pananaw at opinyon. Sa simpleng pagpili ng paksa na ayon sa ating interes at pananaw ating maibabahagi ang mga kaalaman na mayroon tayo.


Figueroa , Jael A.
ABM - 12 -1

Sulatin # 5 

SIMULAN MO NA 

Paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon :

1.  Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa sahig upang madulas ang iyong kaklase.
   
        - Kakausapin ko ang aking guro at ipapaliwanag sa kanyang hindi ako ang nagtapon ng balat ng saging dahil hindi naman ako kumain ng saging at kung ako man ay kuamin ng saging itatapon ko agad sa basurahan para hindi pagmulan ng aksidente.

2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinnis sa ito . Iaabot mo sana ito sa kanya . Subalit , pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng wallet niya .

    - Ibibigay ko sa kanya ang kanyang wallet at kakausapin ko siya at sasabihin ko sa kanya ng maayos na dapat magpasalmat na lamang siya at binigay ko ang kanyang wallet at sasabihin ko rin na icheck niya ang kanyang wallet para malaman niya ang totoo.

3. Ang iyong ama ay dating mayor ng inyong bayna na nasangkot sa graft and corruption kaya nang iakw ay kumandidato bilang kapitanm sa inyong komunidad ay inakusahan ka ng isag magnanakaw.

   - Sasabihin ko na kung ano man ang ginawa ng aking ama ay hindi na muling mauulit pa. Paninindigan ko na isa akong taong may paninindigan .
Figueroa , Jael 
ABM 12 - 1

Sulatin # 4

SURIIN MO NA

1. Ano ang kahulugan ng posisyong papel batay sa inyong sariling pag - unawa?
    
      -   Ang posisyong papel batay sa aking sariling pang-unawa kung saan ang manunulat ay binibigyan ang kanyang opinyon ng matibay na paninindigan patungkol sa isyung pinaguusapan. Sa pagsulat ng posisyong papel kailangan mo rin bigyan ng katibayan ang iyong mga opinyon ng sa ganun mapagtibay mo ang iyong pangangatwiran .

2. Bakit mahalaga ang paglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel ?

       - Mahalagang magkaroon o mglatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong papel para makapagbigay ang magkaibang tao o magkaibang opinyon ng kanilang sariling pananaw patungkol sa isyu at mabigyan ito ng pangangatwiran .

3. Ano ang mahahalagang elemento sa pagsulat ng posisyong papel? Bakit ito mahalaga?

    - Paksa
    - Argumentatibong pahayag
    - Evidences
    - Posisyon
             Mahalaga ang mga ito para mas madali kang makagawa ng posisyong papel. Madali mong mabibigyang diin ang iyong opinyon o pananaw.

4. Ano - ano ang nililinang na kasanayan sa pagsulat  ng posisyong papel ?
       
      - Dapat mayroon kang paninindigan sa iyong napiling posisyon sa isyung pinaguusapan . Dapat mangalap ka ng ilang impormasyon na makakapagbigay na maayos na patunay sa iyong opinyon.

5. Mahalaga bang isaalang - alang ang babasa ng iyong posisyong papel? Bakit ?

       - Oo , dahil ila yung magbibigay ng kumento sa posisyong papel na iyong ginawa. Dapat lahat ng iyong sasabihin ay angkop sa interes ng iyong mga tagapakinig .


ISABUHAY MO NA 

1. Ano ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel?
 
        - Ang isyung binibigyang diin sa posisyong papel ay ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa kolehiyo.

2. Paano inilahad ang opinyon sa posisyong papel ?
     
      - Inilahad ang opinyon ng manunulat sa unang bahagi kung saan ibinigay niya muna ang kanyang opinyon tungkol sa isyu at nagbigay ng mga suportang ideya na magpapatibay sa kanyang opinyon .

3. Paano inilatag ang mga ebidensiya hinggil sa isyu ? Ano - ano ang mga ito ?

   - Nagbigay ng magiging epekto kung aalisin ang asignaturang Filipino
   - Inilahad kung bakit mahalaga ang wikang Filipino

4. Ano ang naging kongklusyon sa posiyong papel ?

    - Sinang ayunan parin ng manunulat ang posisyong kanyang pinili. Hanggang sa huli pinandigan niya ang kanyang posisyong pinili sa isyung pinaguusapan.

5. Ikaw ano ang iyong paninindigan sa isyu 

   - Kung ako ang papipiliin mas pipiliin kung sumangayon dahil mas dapat nililinang natin ang ating wika kesa sa pag- aaral ng dayuhang wika.



Martes, Enero 9, 2018

Gareza , Mark Ildziel
ABM 12 -1

Sulatin blg. 2

Pangalan: Mark ildziel Gareza
Kapanganakan: Agosto 31 2000 edad 17 kasarian: lalake
Magulang
Ama: Ildefonso Gareza
Ina: Marlette Gareza
Tirahan: Blk 41 lot 4 lhinette homes biga tanza cavite
antas ng edukasyon na kasalukuyan:(Grado at pangalan ng paaralan)
Grado: Ika-labing dalawang baitang ABM saint augustine school senior high school
Mga asignaturang kinawiwilihan
History, Science
Mga kinahihiligan gawain: Naglalaro ng basketball at compyuter games
Mga natatanging kasanayan:

Pinapangarap na propesyon
Maging isang business man
Gareza , Mark Ildziel
ABM 12 -1

Sulatin blg 1

Pamagat ng paksa: Ang pamagat ng paksa ay "kuwentong loob ng tagalabas"
Mananaliksik:Si Bb grazol ann ruth latiza ang may akda ng kuwentong loob ng tagalabas
Institusyon: siya ay nag-aral sa unibersidad ng pilipinas

Mahahalagang impormasyon ng pag-aaral: Paghahanap ng koneksiyon ng medisina at panitikan kung saan ang proseso ng pag buo at pagsulat ng piksiyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyornalistikong pananaliksik at pamamahayag

Kahalagahan ng pag-aaral: lantarang mga kuwento ng kaapihan,katiwalian, at koruspsiyon sa loob ng tipikal na ospital sa pilipinas sa kasalukuyang panahon at ipinaparating na meron paring mga doktor na tapat sa sinumpaang tungkulin sa bansa
Tungkol saan ang abstrak na binasa: Ito ay tungkol sa mga karanasan ng isang batang ina na maagang na mulat sa relidad

Ito ay tungkol sa mga hindi etikal na ginagawa ng doktor katulad ng pang-aapi,katiwalian at korupsiyon

Bukod sa nilalaman ano pa ang pagkakaiba: Ang pag kakaiba ng abstract ay kung papaano tinapos ang pag-aaral dahil ang nauna ay may resulta ang pangalawa ay may-kulang kulang na impormasyon

Alin sa mga abstrak ng sulatin ang lubos mong nauunawaan: Ang higit ko na naintindihan/naunawaan ay ang "kuwentong loob ng ng tagalabas" dahil dito nilinaw ng kung anong kaganapan sa loob ng ospital.

Martes, Enero 2, 2018

Guialan , Christal Mae S.
ABM 12 -1

Sulatin blg.4 1.Ang talumpati base sa aking napanuod ay bago isinasagawa ito sa harap ng mga tagapakinig ay kailangang ng maiging paghahanda at kabisado ng magtatalumpati at bibigyang emosyon para makapanghikayat sa mga tagapakinig.Ang talumpati ay kailangan ng mahabang araw para ito isagawa. 2.Ang binibigyang diin sa pagsulat ng talumpati ay ang iyong paksa at ang mensahe na iyong ipinaparating sa iyong tagapakinig. 3.Dapat isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati sapagkat sila ang dahilan kung bakit ka nagtatalumpati sa kanila at may gusto kang iparating sa kanila sa pamamagitan ng iying talumpati. 4.Ang uri ng talumpati na binabasang teksto o pinapanuod ay isinaulong talumpati. 5.Sapagkat ito ay tumutukoy sa ating bansa at pagiging pilipino natin at ang mga nangyayari sa ating bansa. Pagsusuri sng Spoken Poetry 1.Ang Spoken Poetry ay isang pagpapahayag ng karanasan base sa naranasan ng tagapagsalita,ito ay malayang nahihahayag ng tagapagsalita kung ano man ang kanyang gustong sabihin na kunektado sa paksang kanyang sinasalita,ito ay biglaan hindi na kailangang ng mahabang araw na paghahanda.Isinasagawa rin ito na may background music. 2.Ang binibigyang diin dito ay ang paksa,emosyon at mensahe na iparating mo sa iyong tagapakinig. 3.Mahalang isaalang-alang ang tagapakinig sapagkat may gusto kang iparating at iparealize sa iyong tagapakinig at bigyan liwanag sa kanila ang mga nangyayari batay sa iyong paksa. 4.Ang uri ng spoken poetry na aking pinanuod ay imprumptu. 5.Masiguro niya ito sa pamamagitan ng kanyang tagapakinig at ang mga emosyon nila.
Guialan , Christal Mae S.
ABM 12 -1

Sulatin blg.3
Pangalan:Christal Mae S. Guialan
Kapanganakan:Agosto 20,1999
Edad:18 taong gulang
Kasarian:babae
Magulang Ina:Judith S Guialan Ama:Jopy Guialan sr.
Tirahan:Daang Amaya 2 Tanza Cavite
Antas ng edukasyon sa kasalukuyan:Grade 12-ABM 1,Saint Augustine Senior High School
Mga asignaturang kinawiwilihan: Accounting,finance,business marketing,business math at entrepreneurship
Mga kinahihiligang gawain:matulog,magsulat,magbasa at paggamit ng cellphone.
Mga natatanging kasanayan:sumayaw,umawit at pag -oobserba.
Pinapangarap na prosesyon: Maging isang accountant,flight attendant,chief at maging entrepreneurship.
Guialan , Christal Mae S.
ABM 12 -1

Sulatin blg.2
1.Tungkol saan ang mga abstrak na binasa?Ang isang abstrak ay tungkol sa medisina ng mga doktor at ang isa naman ay tungkol sa batang ina.
2.Bukod sa nilalaman ano pa ang pagkakaiba?Ang intership:"kuwentong loob ng tagalabas"ay ang deskriptibo na kung saan inilalarawan ng akda ang isang doktor na sariling karanasan.Ang abstrak naman ang ginagamit sa "karanasan ng isang batang ina:isang pananaliksik ng kung saan ang awtor ay ipinapahayag ang impormasyon tungkol sa karanasan ng batang ina.
3.Alin sa mga abstrak na sulatin ang higgit na nauunawaan?Ang mas nahigit kung naunawaan ay ang abstrak ng batang ina sapagkat marami na rin akong alam tungkol sa pagiging batang ina,na mahirap maging batang ina.
Guialan , Christal Mae S.
ABM 12 -1

Sulatin blg.1
Pamagat ng paksa: Intership:"kuwentong loob ng tagalabas"
Mananaliksik:Graziel ann ruth latiza(2015)
Institusyon:Unibersidad ng pilipinas,kolehiyo ng arte at literatura,diliman,lungsod quezon.
Mahalagang impormasyon ng pag aaral:Ang mahahalagang impormasyon ng pag aaral ay ang lunsaran ng mga kuwenti ng kaapihan,katiwalian,at kurapsyon sa loob ng tipikal na ospital sa pilipinas sa kasalukuyang panahon,hindi etikal na gawain ng ibang doktor sa mga pasyente at maging kasamahan nila sa prosesyon.
Kahalagahan ng pag-aaral:Ang Kahalagahan ng pag-aaral ay ang nalalaman na isang sensitibo paksa ang etika ng mga doktora sa kasalukuyang panahon,pinili pa rin ng awtor na soungin ang usapin na ito bilang pagsubok sa pagbibigay-pugay na rin sa mga doktor na naniniwala pa rin sa pagiging una ng sinumpaang tungkulin higit sa pamamagitan ng panitikan.Ang tinutukoy na katibayan ng kultura na yumayaman sa pagdaan ng panahon.
Guialan , Christal Mae S.
ABM 12 -1

Journal # 1 1.Bakit mahalagang malaman ang layunin o kalikasan ng paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag aaral sa iba't ibang larang akademik? Magalagang malaman ang layunin ng pagsulat sa paraang ng mga anyong iba't ibang sulating ginagamit sa pag aaral sa iba't ibang larang akademik lalo nasa ating mag aaral ng pagsulat,sapagkat ang pagsulat ay hindi lamang pagsulat na isinasagawa o literal na pagsulat ito ay may mga layuning sinusunod o antas upang matamo ang ninanais ng manunulat at makabuo ng isang akademikong pagsulat na ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.Maraming layunin tungi sa pagiging isang mahusay manunulat.Hindi ito madali ito ay kailangang seryosohin sapagkat maramk munang proseso o hakbang na gagawin para makabuo ka ng isang pagsulat na tinatawag na kapag natapos natin ay nakalagay sa portfolio.Mahalaga ito para malaman natin ang tamang proseso sa pamamagitan ng mga layunin nating biang isang manunulat.

Lunes, Enero 1, 2018

Ocampo , Aira May
ABM 12 - 1

Sulatin Blg. 3
Pagsusuri ng Talumpati
1. Para sa akin ang talumpati ay paghahayag ng iyong mga nararamdaman at malaya mo itong nasasabi sa harap ng madaming tao.
2. Sa pagsulat ng isang talumpati dapat mas binibigyan diin natin ang mga personal na isyu sa ating bansa ,tungkol sa mga kabataan at sa pamilya.
3. Mahalagang isaalang alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati dahil sa bawat paksa ay may pinupunto o may pinapatamaan. Maganda din kung ibabase natin sa edad o grado ng tagapakinig.
4. Ang uri ng talumpating ginamit ay isinaulong talumpati, dahil batay sa aking napanood at sa aking palagay ay sinulat muna ito at sinaulo bago italumpati.
5. Siguradong mapupukaw ang damdamin ng mga tagapakinig base sa kilos , galaw at salita. Para sa akin ay nakakapukaw ng damdamin kapag mahusay ang iyong pagkakabigkas ng bawat salita.
Ocampo , Aira May
ABM 12 - 1

Sulatin Blg. 2
Pangalan: Aira May Montejo Ocampo
Kapanganakan: December 16,1999
Edad: 17 y.o.
Kasarian: babae
Magulang:
Ina: Juvilyn Montejo Ocampo
Ama: Felman Dones Ocampo
Tirahan: #416 Crispin Cenizal St., Biwas Tanza, Cavite
Antas ng Edukasyon sa kasalukuyan: Grade 12, Saint Augustine Senior Highschool
Mga asignaturang kinawiwilihan:
Accounting
Entrepreneurship
English
Mga Kinahihiligan: Gumala , Kumain , Matulog
Mga natatanging kasanayan: sayaw , pag-arte
Pinapangarap na prosesyon: Accountant