Huwebes, Nobyembre 30, 2017


Ocampo , Aira May M.
ABM 12 -1

Sulatin Bilang 1
Pamagat ng paksaAng pamagat ng paksa ay “Internship: Kuwentong loob ng tagalabas
MananaliksikAng mananaliksik ay si Graziel Ann Ruth Latiza
InstitusyonAng institusyon ay sa Unibersidad ng Pilipinas,Lungsod ng Quezon.
Mahahalagang Impormasyon ng Pag-aaral:
Tinututukan sa pag-aaral na ito ang proseso ng paghahanapng koneksyon ng medisina at panitikan kung saan ang prosesong pagbuo at pagsulat ng piksiyon ay ginagamit bilang pamalitsa dyornalistong pananaliksik at pahayag.
Kahalagahan ng Pag-aaral:
Sentral na paksa sa pag-aaral ang etika ng mga doctor naginagamit ng awtor bilang lunsaran ng mga kwento ng kaapihankatiwalian at korupsiyon sa loob ng ospital ng Pilipinas sakasalukuyang panahon.

Paghahambing:
1. Tungkol saan ang abstrak na binasa?
Ang abstrak na binasa ay tungkol sa karanasan ng isangbatang ina at sa internship.
2. Bukod sa nilalaman ano pa ang pinagkaiba ngnilalaman?
Ang dalawang abstrak at magkaiba ng mensahe o pinupuntoBawat abstrak ay may sarisariling paksa at iba-iba rin ang pinatutungkulan nito.
3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang higit mongnaunawaan?
Para sa akin gang abstrak na higit kong naunawaan ay yungtungkol sa pagiging isang batang inaDahil bilang kabataandapat lamang natin malaman o alamin ang mga balitatungkol dito upang maging maingat tayoSa panahon natinngayon madami ng kabataan ng nagbubuntis ng maagakaya naman maaga silang namumulat sa mundo ngkahirapan.


Ocampo , Aira May M.


ABM 12 - 1


Journal #1
Sa larang akademikmahalagang malaman ang kalikasanlayunin at paraan ng pag-sulat ng iba’t ibang anyo ng sulatingginagamit sa pag-aaral. Ito ay magagamit ng mga estudyantengnag-aaral mula Grade1 hanggang Senior High School. Maraming layunin ang Akademikong Pagsulatkagaya ngmakakapagsagawa ka ng wastong pangangalap ng mgaimpormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat at nakakapagsuri at nakakabuo ng wastong konsepto mula satinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaralAng pagsulatng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral ay mas nagiging malinaw o minsan ay mas komplikado pagtungtong ngkolehiyoNagagamit ito sa araw-araw na pamumuhay ng bawattaodahil sa pamamagitan ng pagsulat natututo tayong makipagkomunikasyon sa iba’t ibang taoHalimbawa ay pag e-mail at paggawa ng iba’t ibang klase ng sulatin (love letter, complaint letter, authorized letter, at iba pa). Sa pagsulat ng akademikongsulatin kailangan na ito ay pormalobhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan upang mas lalongmaintindihan ng mga mambabasa.
Sa pagsulat nito hindi dapat estudyante lang ang dapatmatuto nito kundi pati ang mga ordinaryong taoBawatestudyante na natututo ng sulating ito ay nakakakuha ng iba’tibang ideyamakabuluhang impormasyonisang paksa at dokumentado na magagamit din sa bawat pag-aaralKatulad ngpaggawa ng pananaliksik na nangangailangan ng sapat naimpormasyon para mas maganda ang daloy nitoSa pagsulat ngsulating pang akademikogumagamit tayo ng piling piling salitaat isinasaalang-alang ang target ng mambabasa. Ito ay mahigpitdin sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil angmga sulating ito ay nakatuon sa pagbigay ng iba’t ibangkaalaman.
Ang karaniwang estraktura ng isang akademikong sulatinay may simula na karaniwang nilalaman ng intoduksyon , gitnana nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ngresolusyonkongklusyon at rekomendasyon. Isa sapinakamahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mgagawaing nauukkol sa akademiko. Dapat mas lalong bigyanpansin sa paaralan ang iba’t ibang sulatin upang mas magingmalikhain ang bawat estudyante sa pagsasagawa nito. At para magkaroon din ng kaalaman at kasanayan sa pagsulatkagaya ngating mga ninunoLikas na sa ating mga Pilipino ang may kaalaman sa pagsusulat, kaya dapat itong mamana ng mgakasalukuyang estudyante mula Grade1 hanggang kolehiyo.




Miyerkules, Nobyembre 29, 2017



Figueroa , Jael A.
ABM 12 -1

Sulatin # 1

Pamagat ng paksa:
          " Internship : Kuwentong loob ng tagalabas"

Mananaliksik
          Graziel Ann Ruth Latiza

Institusyon
         Unibersidad ng Pilipinas , Kolehiyo ng Arte at Literatura , Diliman Lungsod ng Quezon

Mahalagang impormasyon ng pag - aaral
         Binibigyang diin ng paksa ang etika ng mga doktor bilang lunsaran ng mga kuwento ng kaapihan , katiwalian at korupsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon.

Kahalagahan ng pag - aaral
         Inaalam kung ano - ano nga ba ang etika ng isang doktor sa loob ng isang ospital. Parang ipinaparating dito na hindi ganoong kadali ang maging doktor. Dahil kahit sila ay nakakaramdam ng iba't ibang emosyon na nararansan ng isang karaniwang tao .

Paghahambing :

1. Tungkol saan ang binasang abstrak?
             Ang unang binasang abstrak ay pinakagatanv " Internship : Kuwentong loob ng tagalabas " na tungkol sa mga etika ng mga doktor bilang lunsaran ng mga kaapihan , katiwalian at korupsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. At ang pangalawang abstrak naman na binasa ay pinamagatang " Karansan ng isang batang Ina " na tungkol naman sa mga nararansan ng isang batang ina na batay sa anim na aspeto : emosyonal , espiritwal , mental , pinansyal , relasyonal at sosyal.

2. Bukod sa nilalaman ano pa ang kanilang pagkakaiba?
             Ang pagkakaiba ng dalawang pananaliksik na tungkol sa batang ina ay mayroong  mga resulta na inilagay
 para madaling malaman ng mga mambabasa ang mga bagay na nararanasan ng mga batang ina. Samantala ang isang abstrak na tungkol sa mga doktora ay hindi naglagay ng mga resulta.

3. Alin sa mga abstrak na sulatin ang lubos mong naunawaan ?
              Para sa aking opinyon mas lubos kong naunawaan ang abstrak na sulatin na pinamagatang           " Karansan ng isang batang ina " . Dahil bilang isnag kabataan mas madali ako nitong mahihikayat na basahin ang naturang pananaliksik. Mas madali din nito naipahayag kung ano yung mga nararanasan ng isang batang ina. At mairerelate mo o maari mong ilagay ang iyong sarili sa naturang sitwasyon. Dahil nga sa ako'y isang kabataan magiging pasok ito sa aking interes.





Figueroa , Jael A.
ABM 12 - 1


Journal # 1

             Bakit mahalagang malaman ang kalikasann, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag- aaral sa iba't  ibang larang akademik?

             
                 Bago natin alamin ang halaga ng kalikasan , layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginamit sa pag - aaral ng akademik ibigay muna natin ang kahulugan ng akademikong pagsulat kalimitan itong isinasagawa sa isang institusyon na kailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
       
                 Mahalaga na  malaman natin ang kalikawan , layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulatin dahil sa ganitong paraan mas mapapadali tayo makagawa ng isang pormal na sulatin. Base sa aking sariling karanasan sa pagsusulat ng akademikong sulatin dapat alam muna natin kung ano yung layunin at paraan kung paano gagawin ang isang sulatin . Madali rin nating matutukoy kung anong uri ba ng sulatin ang madali para maipahayag natin ang mensaheng nais nating ipahayag.
             
                  Kaya mahalaga na malaman natin kung ano ang kalikasan , layunin at paraan ng pagsulat ng isang sulatin. Dahil ang bawat uri o anyo ng isang sulating akademiko ay ginagamit sa iba't ibang uri ng pagpapahayag ng impormasyon o mensahe.